38

725 35 8
                                    

baekhyunee

today 5:46 pm

baekhyunee: pusa!
baekhyunee: tara

stayfunny: san na naman?!

baekhyunee: ililibre kita!
baekhyunee: saan na naman ka jan
baekhyunee: ayaw mo?!

stayfunny: feeling ko kasi di ako safe sayo!

baekhyunee: wow
baekhyunee: lilibre pa naman sana kita sa jollibee para wala na akong kasalanan sayo

stayfunny: palabas na nga ng room oh
stayfunny: hindi naman mabiro!

"huwag mo nga ko tignan."sita ni Stephanie sa bestfriend niya. Ayaw nga kasi niya na pinapanood siyang kumain.

"akala ko ba diet ka?"pang-aasar sa kanya ni Baekhyun.

siya nga yung nanlibre tapos siya pa mang-aasar about sa diet.

"cheat day ko ngayon."sagot sa kanya. "tsaka okay lang naman tumaba basta jabi ang dahilan."

kinuha naman ni baekhyun ang phone niya para kuhanan ng litrato ang bestfriend niya na masayang kumakain. hindi pa nga alam kung anong unang kakainin. kung yung fries ba, yung jollyhotdog o yung spag at chicken.

"samahan mo ko bukas."pag-aaya ni baekhyun.

"saan?"tanong niya kay baekhyun habang busy sa pagsalpak ng mga pagkain sa bunganga.

"kay God."sagot naman ni baekhyun.

napatigil naman sa pagkain si Stephanie at dahan-dahang tumingin sa bestfriend niya.

"h-huling libre mo na ba sa'kin 'to? ano h-hindi ka pa ba nakakamove on at naiisip mo nang magpakamatay?!"malakas na tanong nito sa bestfriend niya. tinakpan naman ni baekhyun ang bunganga niya. nagtinginan kasi sa kanila yung mga tao.

"ano ka ba hindi!"sagot naman agad ni baekhyun.

"sige, kapag ginawa mo yon isusunod ko si hyeran."pagbabanta naman nung kumakain at inirapan niya pa ang bestfriend niya bago sabay-sabay na sinalpak sa bunganga ang anim ng fries.

"sa simbahan kasi."sabi naman ni baekhyun. "may sasabihin lang ako sa kanya.. na sa wakas hindi na si hyeran ang tinitibok nito."sabi niya pa at tumuro sa dibdib.

nagkunwaring ibubuhos naman ni stephanie ang drinks kay baekhyun.

"ikaw kasi yon."sa isip ni baekhyun.

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon