stephanie's point of view.
"oh, anak."react ni mama nang makita kami ni baekhyun. wow, anak daw pero kay baekhyun nakatingin. minsan talaga napapatanong na lang ako kung sino ba sa amin ni baekhyun yung anak niya talaga eh.
"hello po, mama."bati naman ni baekhyun. ay wow talaga.
"hindi ako na-inform na iba na pala anak mo, ma."sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.
"bakit napadaan kayo?"tanong ni mama. "nak, may leche flan don sa may ref baka gusto mo."sabi pa ni mama.
hindi ko na din alam kung kanino niya ba sinabi yon. nalilito na ako. totoong anak ba ako? ampon lang ba ako?
"may itatanong sana ako, tita."nahihiya pang sabi ni baekhyun.
"naku, nahiya ka pa. totoo ba yan?"pang-aasar ko at pumuntang kusina para kunin yung leche flan.
"ano ba yon, anak?"
"baekhyun, gusto mo din ba—"
"tita, gusto ko po ligawan ang anak niyo."nabato naman ako sa kinatatayuan ko. nabitawan ko din yung kutsarang hawak ko. laking pasalamat na lang at hindi yung leche flan ang nahulog.
tangina? teka— kinikilig ako ajuju
"tita, mahal na mahal ko po anak niy—"
"eh bakit hindi mo pa itanan?"tanong ni mama. "pakasalan mo na din."
pinapamigay na ako ng nanay ko. feel ko talaga hindi ako tunay na anak. i don't feel the love talaga. grabe, iiyakan ko na 'tong leche flan na hawak ko.
"hehe okay lang sayo, tita?"masayang tanong ni baekhyun at parang bata na binilhan ng lollipop ang itsura. at naiimagine ko pa yung buntot niya na nawagayway.
"oo naman, baekhyun."naka-ngiting sabi ni mama. "hindi nga magbestfriend ang tingin ko sa inyo eh."
"matagal na kitang kilala kaya may tiwala ako sayo na hindi mo papabayaan at papaiyakin ang anak ko."sabi pa ni mama.
iiyak na ba ako?
"tita, daretso ko na ba 'to sa simbahan?"lokong tanong ni baekhyun.
"sige, saglit lang ha magkilay lang ang mama niyo."
—
BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs