119

433 15 0
                                    

stephanie's point of view.

paglabas ng prof agad akong tumakbo palabas ng room at pumunta sa building nila yeol. lunch time na so maya-maya lalabas na din yon. hintayin ko na lang.

bigla naman akong kinabahan nang makita kong may mga tao nang lumalabas galing sa building nila. sinundan ko naman ng tingin yung mga nagkukumpulang lalaki pero gulat ko na lang na may lalaking nakatayo na sa harap ko.

"c-chanyeol.."

naka kunot-noo niya akong tinignan, "bakit ka nandito?"tanong niya. agad din naman niya inalis yung tingin niya sa akin at tumingin sa paligid na para bang may hinahanap. "dapat hindi ka na-"

"isosoli ko lang yung shirt mo."sabi ko at inabot sa kanya yung paper bag. tumingin ulit siya sa akin at parang naiirita na.

"sabi ko 'wag mo na isoli diba?"sabi  niya. nagulat naman ako sa tono niya. galit ba sa akin si yeol? akala ko ba okay kami..

"chanyeol!"rinig kong tawag sa kanya ng isang babae. pero hindi naalis sa akin yung tingin ni yeol na parang sinasabi sa akin ng mga mata niya na umalis na ako. 

"a-alis na ako."sabi ko at maghihintay pa sana ng sagot niya pero hindi na siya sa akin nakatingin, "t-thank you ulit."sabi ko pa at tumalikod na agad ako at nagtama yung tingin namin nung babae. 

siya yung pumunta sa clinic nung nahimatay si yeol. pero parang nakita ko na din siya dati? familiar yung buhok niya. 

  —  

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon