Stephanie's point of view
Tatlong araw na ang nakalimpas hindi pa nagpaparamdam si Baekhyun. Miski text o tawag wala kahit nga replyan yung message ko sa ig wala eh.
Hindi na rin kami nagkakasabay sa pagpasok. Madalas na din na magkita sa campus. Pero kasi baka busy. Ayoko naman biglang lapitan kapag kasama yung mga kaklase niya kasi baka may gagawin sila.
Pero baka kasi may surprise siya? haha kasi diba sinabi ko na mahal ko din siya, matagal na. Alam niya na mutual na ang feelings.
May nakasalubong akong mga estudyante na ang daming lobo na puso at banner na dala. May rosas at mga iba pang mga gupit gupit na puso.
"Uy, dalian niyo kailangan 'to sa stage!"
"Yung bear buhatin niyo na."
"Comeback is real."Bago pa man ako makapagtanong kung para saan yun ay nalagpasan na nila ako. May stage play ba ngayon?
Tinext ko yung seatmate ko kaibigan niya kasi yung isang BA theatre arts.
to Lara:
May stage play ngayon?Bago ko pa maibulsa ulit yung phone ko tumunog na iyon pero hindi ko agad natingnan kasi may mga estudyante na nagtatakbuhan.
"Dalian natin baka late na tayo sa surprise." sigaw nung isa sa kanila.
Napangiti naman ako nang marinig ko yung salitang 'surprise'. Eto na ba? Eto ba ang dahilan kung bakit walang paramdam si Baekhyun ng tatlong araw?
tangina
Pero sabi nila huwag daw mag-expect para hindi masakit. Agad din napawi ang ngiti sa mukha ko nang makita ko ang picture na hawak ng iba sa kanila. Picture ni Baekhyun at Hyeran.
Lara:
Nagkabalikan na ata bestfriend mo at si Hyeran.At dahil doon tinakbo ko ang stage mula third floor. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aksaya ng oras para lang marating yung stage kahit na ang makikita ko lang naman doon silang dalawa.. magkayakap.
—
BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs