101

637 25 10
                                        

stephanie's point of view.

"wala bang masamang mangyayari sayo?"seryosong tanong sa akin ni baekhyun. tinignan ko lang siya habang nakakunot ang noo ko.

"wala, kung wala ka namang gagawin sa'kin—"agad niyang tinakpan yung bunganga ko at nakita kong namula bigla ang tenga niya.

nanlaki naman ang mga mata ko. kingina! yung chickenjoy na kinakain ko nahulog dahil sa biglang pagtakip niya sa bunganga ko.

"sorry! hala sorry!!"natataranta niyang sabi at inabutan ako ng panibagong chickenjoy.

"ano kasi.."sabi niya at kumamot pa sa batok niya. "lagi na lang kasi jollibee kinakain mo.. hindi ka ba magkakasakit niyan?"tanong niya.

wow.

"byun baekhyun.."huminga muna ako ng malalim. "tangina ka pala eh. tagal ko nang ganito oh ano buhay pa ako diba? tapos tatanungin mo ako nyan!"sigaw ko.

"hoy, tsaka ikaw pa nga 'tong bigla-bigla na lang susulpot sa harap ko na may dalang jollibee!"sigaw ko pa.

"bakit kakainin mo ba kapag hindi jollibee?"tanon niya.

"hmm, hindi."sagot ko at tinalikuran na siya para ipagpatuloy ang kinakain ko.

"maliligo lang ako ha."paalam niya. tumango naman ako na parang bata.

pagkasara ng pintuan ng banyo niya. agad akong sumampa sa may kama niya at kumuha ng isang unan niya.

hi, namiss kita unan ni baek hihi. agad ko namang sinubsob yung mukha ko at todo singhot ako yung tipong papasok na sa ilong ko pati yung punda ng unan niya. shet, ang bango skdjajksjcka!

sa sobrang tagal niya maligo catsup na lang ng jollibee ang natira.

"ano ba 'to bakit ayaw lumabas?"inis kong sabi habang pilit na pinipisil yung sachet ng catsup.

napalingon ako ng biglang bumukas yung pintuan ng banyo. "mama.."sabi ko sa isip ko at hindi naiwasang mapalunok.

nakita ko si baekhyun na nakatayo doon sa tapat ng banyo na nakatapis lang ng twalya sa bewang. may towel din sa may buhok. yung porma niya nakahawak sa bewang yung isa niyang kamay tapos yung isa pinupunasan yung buhok niya. pero PERO may tumutulo pa din sa katawan niya.

mama..

hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin at sinundan ko yung patak ng tubig sa katawan niya. mula don sa balikat hanggang don.. sa may v-line.

mama..

biglang naging 20/20 ulit yung vision ko ah. kita ko yung ugat sa may tyan niya grabe tapos may nabasa pa naman ako na kapag maugat don... maugat hanggang sa dulo.

MAMA!!

"stephanie."

"mama— ay!"react ko. at binaling ko yung tingin ko don sa catsup at sa sobrang pisil ko siguro tumulo na hanggang sa unan niya.

"a-ano.. sorry na-naano.. natuluan ng ano tubig— ay ng ano catsup yung ano mo yung unan mo haha."awkward kong sabi at hindi ko na ulit nabalik ang tingin ko sa kanya.

grabe mama byun, bakit ganito naman yung anak niyo? kapag po hindi na ako nakapagpigil ako na po gagawa ng masama sa kanya.


nasa multimedia yung nakikita niya imagine-in niyo na lang na nakatowel lang si baek hihi😆🙈

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon