36

748 27 13
                                    

"hindi ako makakasabay sayo pag-uwi."sabi ko kay baekhyun habang naglalakad na kami palabas ng campus.

"wow, nagpapaalam ka na sa'kin ngayon."sabi niya at nginitian ako ng nakakaloko.

"bakit saan ka pupunta?"tanong niya at pinanliitan ako ng mga mata. Aba, ang bilis talaga magbago ng mood? "magkikita kayo nung park ears ano?"

"bakit naman kami magkikita?"sagot ko. "may group activity kasi kami."sabi ko pa.

"Saan kayo magkikita-kita ng mga ka-group mo?"tanong niya. "Saan kayo? Anong oras kayo matatapos? ilan kasama mong lalaki?" sunod-sunod na tanong nito. Bestfriend ko lang ba talaga 'to? Bakit parang tatay ko na?

"Ayun sila."sabi ko sabay turo sa tatlong lalaki na naghihintay sa may gilid. "Tatlong lalaki tapos ako."sabi ko pa.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang bigla niyang hilahin braso ko. Pinagtaasan ako ng kilay at kita sa mukha niya na hindi siya natutuwa at gusto niya akong isama na pag-uwi, "Seryoso ka ba?" tanong niya at tumango naman ako. "Hindi ka man lang nagreklamo na ikaw lang babae sa group niyo?"tanong niya pa at umiling naman ako.

"tangina naman."rinig kong bulong nito.

"Mababait naman 'yang mga yan"sabi ko.

"Kahit na mga lalaki yan!"sabi niya. "Kung wala lang kaming usapan ni Mama sasama ako sa inyo eh."

Naglakad na ulit ako pero huminto ulit ako kasi hinila ulit ako. "Baekhyun, naghihintay sila oh."sabi ko. " Gagabihin ako umuwi kung tatagalan mo pa." kaya naman wala siyang nagawa at binitawan na ako at naglakad na ulit kami papalapit doon sa mga ka-group ko.

"Hi-"natigil ako at parang saglit na nawala sa ulirat nang hawakan ni Baekhyun yung kamay ko. Ramdam ko kung paano niya pinagsaklop ang mga daliri namin. "A-Ah, Hi! s-sorry natagalan ako."sabi ko doon sa mga kagrupo ko.

"Okay lang."sagot nung isa at nginitian ako.

narinig ko naman na umubo yung katabi ko. "Ingatan niyo 'to ha. Kapag may nangyaring masama dito lagot kayo sa akin."pagbabanta ni Baekhyun sa ka-grupo ko na para bang ka-close niya ang mga 'to.

Nakakahiya naman! tinignan ko yung tatlo at parang mga aso na tatango-tango sa sinabi ni Baekhyun. Hinila ko naman yung kamay ko pero hindi niya binitawan. "Baek, alis na kami."

"Okay, ingat."sabi niya at ngumiti sa akin. Tumalikod na ako para umalis pero hinila ulit ako at humalik sa pisngi ko.

"Mag-ingat ha."

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon