calling mongmong🐶...
"hello!!"
"mornin—"
"ano na byun baekhyun?!"
"ha? ano meron?"
"kingina mo! mapapa-aga talaga pagsama mo kay God kapag di ka pa tumayo jan sa higaan mo!!"
"eto na! saglit lang naman kase.."
"tsk."
"sorry na luv mo naman ako ih hehe."
—
"baekhyun, ang bagal mo kamo kumilos!"sigaw ko habang kinakatok ko siya ng paulit-ulit sa may puntuan ng banyo niya.
ang sabi niya susunduin niya ako pero lumagpas na sa oras na sinabi niya wala paring update kung buhay pa ba siya o ano. tapos aba! nung tinawagan ko kakagising lang ng gago. kaya mura agad ang bumungad sa kanya. tinanong kasi ako kung ano ba daw meron. kung hindi ba naman gago eh, siya kaya ang nagpapasama.
"sabi ko kasi tulungan mo ko para bumilis—"aba maparaan naman pala!
"leche!"sagot ko.
bumalik ako sa pagkakahiga sa may kama niya. kinuha ko yung unan niya at itinaklob iyon sa mukha ko. ang bango, amoy baekhyun. hindi niya ba mahahalata na may nararamdaman ako sa kanya kung hihingin ko 'tong unan niya? o kaya isa sa lang sa mga damit niya? siya na lang kaya?
"akin ka na lang!"sigaw ko sa gulat dahil biglang may tumapik sa paa ko.
hala napalakas ang pagkakasabi ko! gaga ka talaga self bakit naman ganon ang bunganga mo?!
"ha? ano kamo?"natatawa niyang tanong sa akin habang nagsusuot ng sapatos.
"a-ano nakaidlip na siguro ako? oo, haha."awkward kong sagot at wala sa sariling niyakap yung unan niya.
bakit ba ako ganito pagdating sayo?
"tara na."pag-aaya niya at hinila na ako sa may kamay ko. napahigpit ang hawak ko sa unan niya ng pagsaklupin niya ang mga dalifi namin.
"gusto mo bang mag-amoy ako?"tanong niya at nginitian ako yung nakaka-asar. "yakapin mo ko."
hoy, wag kang ganyan kasi.. hindi naman ako tatanggi.
—

BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs