55

643 29 13
                                    

baekhyunee

today 11:23 pm

stayfunny: favor
stayfunny: diba dati pinuntahan natin yung mga lugar para makausad ka
stayfunny: para makalimutan lahat ng sakit

stayfunny: samahan mo naman ako oh
stayfunny: gusto ko din kasi makausad
stayfunny: gusto ko din maging masaya

stayfunny: ang tagal ko ng nasasaktan
stayfunny: sa paulit-ulit na dahilan

stayfunny: pwede mo ba ako samahan?
stayfunny: baek..

seen

stayfunny: doon sa simbahan kung saan sinabi mo na mahal mo ako kahit na siya parin pala
stayfunny: sinabi mo sa dasal mo na mahal mo na ako pero hindi naman pala
stayfunny: kung saan pinabilis mo ang tibok ng puso ko sa sinabi mong hindi naman pala totoo

stayfunny: sa bar kung saan bigla mo ako hinalikan kasi siguro sa sobrang lasing mo akala mo ako siya
stayfunny: nakita ko nga pala siya non na pumasok sa bar ma din na iyon
stayfunny: inisip ko nga na baka siya ang una mong tinawagan

stayfunny: pero nauna ako sa kanya
stayfunny: simula pa lang nauna na ako
stayfunny: pero bakit siya? bakit hindi na lang ako?

stayfunny: sa lugar kung saan akala ko ako na.. hindi pa pala
stayfunny: akala ko nakalimutan mo na siya
stayfunny: akala ko mahal na din ako ng taong mahal ko hindi parin pala

stayfunny: kasi una hindi ako siya at hinding-hindi ako magiging siya

seen

stayfunny: ang sakit na kasi eh
stayfunny: gusto ko na bitawan lahat
stayfunny: gusto ko na malimutan lahat

stayfunny: gusto ko bumalik sa umpisa kung saan bestfriend lang kita
stayfunny: kung saan wala pa akong nararamdaman sayo
stayfunny: kung saan hindi pa malalim tong nararamdaman ko

stayfunny: gusto ko manatili sa umpisa
stayfunny: ibalik mo ko don

stayfunny: gusto ko kalimutan yung gitna kung saan nahulog na ako sayo kahit na alam kong may kayo
stayfunny: kung saan bigla na lang iba ang pakiramdam kapag magkasama tayo

stayfunny: mas lalong gusto kong kalimutan ang huli..
stayfunny: kung saan ginamit mo ko
stayfunny: inisip na ako siya para magawa yung mga bagay na nakasanayan mo nang gawin sa kanya
stayfunny: tulad ng sabihan ng "mahal kita" at halikan sa noo, sa ilong, sa labi
stayfunny: na hindi kailan man naging para sa akin
stayfunny: yung part na sinanay mo ako
stayfunny: yung part na lahat ng sinasabi mo hindi totoo

stayfunny: tulungan mo kong kalimutan yon

baekhyunee: sorry..
baekhyunee: busy

stayfunny: tangina|

stayfunny: sabi ko nga haha
stayfunny: sige ako na lang
stayfunny: sasanayin ko nang walang ikaw :)

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon