Stephanie's point of view
February 14 na. Wala naman akong boyfriend pero gagala ako. Napilitan lang naman ako.. ata. Wala naman talaga 'to sa balak ko, kasi ang balak ko lang naman sana na gawin ngayong valentines eh matulog, kasi mas kailangan ko yon.
15 minutes pa bago yung usapan namin nandito na agad ako sa may Jollibee. Hindi dahil sa gusto ko na siya makita o miss na miss ko nang kumain ng Jollibee kasama siya. Pero kasi wala lang talaga sa vocabulary ko ang salitang late. Never pa ata akong na-late sa mga usapan sa buong buhay ko. Ayoko nang nalalate ako.
Ayoko din sa mga nalalate at mabagal kumilos.. pero ewan ko ba bakit nagustuhan ko siya.
Pagpasok ko sa loob ng Jollibee ang dami agad na mga tao at wala nga akong nakitang bakanteng table. Daming nagmamahal kay Jabi ah.
Habang nililibot ko ang mga mata ko para sana may mahanap na may paalis na sa table pero iba ang nahanap ng mga mata ko. Isang pamilyar na lalaki na malapad ang mga ngiti habang papalapit sa akin.
"Ang aga mo."iyon na lang ang nasabi ko pagkalapit niya sa akin.
"Baka magalit ka lalo sa akin kapag nalate ako."sagot niya sa akin.
"Hanap muna tayo ng table."pag-aaya niya pero pinigilan ko siya. Paghawak ng mga kamay ko sa braso niya ay bigla kong narealize ang ginawa ko. Kaya agad ko ding binitawan.
Tumikhim muna ako at nag-iwas ng tingin, "Order muna tayo."
Na-awkward naman ako lalo nang marinig ko na lumabas sa bibig ko ang salita na "tayo." kasalanan 'to ng mga walanghiya kong kaklase eh!
"Uh.. kanina pa ako natatakam sa amoy ng spaghetti at ng chicken."sabi ko pa at nauna na sa counter.
Mahaba ang pila kaya naman magkatabi kaming nakapila doon. At minsan kapag may nadaan nagkakadikit pa lalo at tumatama ang braso niya sa braso ko. At may parang kuryente.
tangina hindi naman masyadong malamig pero bakit ganon?!
Nang kami na ang sunod pagkalapit namin sa cashier nakangiti na agad yung babae kay Baekhyun. Tumingin naman ako kay Baekhyun at nakangiti din siya.
"Kayo pala ulit, sir."sabi nito kay Baekhyun. "Tagal din kitang hindi nakita dito sir ah."dagdag pa nito.
nagkikita ba sila lagi? pinopormahan ba 'to ni Baekhyun?
"Ah, nag-away lang haha."sabi naman ni Baekhyun.
teka, anong nag-away? bakit parang ang layo ng sinabi niya sa sinabi nung babae?
"Ah, LQ po ba?"natatawang tanong nung babae.
ano ba? magkekwentuhan na lang ba kayo ha? nagugutom na ako oh!
Nagulat naman ako nang biglang nag-abot ng pera agad si Baekhyun at nakita ko na nakalagay na doon sa screen yung lahat ng babayaran.
teka bakit ang bilis?
"ah, nasabi mo na ba yung order?"naguguluhan kong tanong at iniisip ko yung mga pinagkekwentuhan nila at naaalala ko naman na wala siyang nabanggig na order.
"Kabisado ko na po ang inooder ni sir, mam."sabi sa akin nung babae. Bumaling naman ito kay Baekhyun, "Siya po ba yun sir?"at tumango naman si Baekhyun.
anong nangyayari? anong meron sa akin? hindi ko maintindihan!
"Kayo po pala yung laging binibilhan ni sir ng Jollibee."parang kinikilig pa na sabi nung babae.
ah, iyon ba.. suki na pala talaga ang jollibee supplier ko dito. At kilala na siya ng nasa cashier.
Nang makuha na yung mga order naghanap na kami ng upuan. At buti naman meron agad kaming nahanap at nakaupo agad. Napansin ko naman na kulang yung order kaya hindi sadyang napatingin ako doon sa number. Wow, 15.
Anong meron sa 15? Monthsary nila ni Hyeran tsaka 15 din nung nagkabalikan sila. Tinanggal ko yung mga pagkain sa tray para makuha na pagnabigay na yung mga kulang. Pero hindi ko sinasadyang matumba yung number. Nakita ko na napatingin siya sa akin.
Oo, bitter ako. Natural lang yon kasi nasaktan ako duh! pero hindi ko naman sinasadyang itumba. Kasi kung sadya yon edi sana hinagis ko na lang sa lapag.
"Gusto mo ba papalitan—"
"Hindi, okay lang."sagot ko at kumain na lang ng fries. Kinuha ko yung phone ko at nag-ig na lang. Para hindi awkward.
Nang dumating na yung mga kulang na order binaba ko na yung phone ko para makakain na. Syempre magagalit si Mama kapag nalaman niyang nagce-cellphone ako habang nakain!
At habang kumakain kami walang nagsasalita. Hindi kami ganito dati. Hindi ako sanay pero ayoko ding magsalita. Hanggang sa naubos na lahat ng order, tahimik parin.
"Sorry."rinig kong sabi niya.
"Okay."sagot ko.
Hindi ko siya tinitignan at pinapapak ko na lang yung natirang catsup. Nang bigla akong nakarinig nang paghikbi. luh!
"Uy, bakit ka umiiyak?"tanong ko. Nataranta ako kaya napalipat ako doon sa upuan sa tabi niya.
Hindi siya sumagot, "Baka akalain nila na pinapaiyak kita."sabi ko.
"Pinapaiyak mo talaga ako."sabi niya sa akin. Aba! kailan kita pinaiyak ha?!
"Wow, ano naman ginawa ko sayo?"tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanya at pinag-iisipan kung ilalagay ko ba yung isa kong kamay sa likod niya.
"Awkward ka sa akin. Hindi tayo tahimik kapag kumakain. Sa tabi kita dapat nakaupo. At kapag umiyak ako automatic na nasa likod ko na agad yung kamay mo."sabi niya. "Hindi ako sanay.. hindi tayo ganito.."dagdag pa niya.
"Huwag ka na nga umiyak. Para ka kamong baby."sabi ko at nilagay ko na yung kamay ko sa likod niya. "Tahan na."
"Ayoko.. galit ka pa sa'kin ."sabi naman nito.
bakit ka ba ganito?
"Bakit alam mo hindi naman madali eh. Oo sige, napatawad na kita pero mahirap kalimutan."sabi ko.
"Sige ganito.. isipin mo na ikaw yung nasa sitwasyon ko."sabi ko. "Kunware ikaw yung unang nagmahal sa'ting dalawa. Tapos sinabi ko na Mahal din kita pero biglang sinagot ko si Chanyeol. Anong mararamdaman mo?"tanong ko.
"Masasaktan ako.. magagalit."sagot niya.
"Makakalimutan mo ba agad? Mapapatawad mo ba agad ako?"tanong ko. Hindi siya sumagot. "Hindi diba?"
"Bestfriend parin naman kita eh. Ikaw parin naman yung Jollibee supplier ko. Pero Baek.. hanggang doon na lang.."...muna
—
![](https://img.wattpad.com/cover/126895664-288-k666802.jpg)
BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs