stephanie's point of view.
"wala talaga akong tiwala sa driving skills mo, baekhyun."sabi ko at humigpit ang kapit sa seatbelt. kingina nito ang hilig mag-overtake ipahuli ko kaya 'to!!
"magaling ako magdrive, jagi."sabi niya. tumingin pa sa akin sabay kindat. malandi!
natigil naman ako dahil don at humarap na lang sa may bintana para itago yung ngiti ko. ang saya lang pakinggan kapag tinatawag niya akong jagi.
"i drive you wild nga eh."
"corny— hoy kingina bagalan mo lang!!"sigaw ko. gusto ko na lang lumubog papasok sa inuupuan ko dahil sa takot. "tangina mo baekhyun! wala tayo sa racing gago!"
nang makarating kami sa private resort ng kaklase namin. agad kong hinila buhok ni baekhyun at pinagpapalo siya sa may braso. muntik na ako atakihin sa puso kanina dahil sa kanya.
"nandito na yung mag bestfriend."rinig kong sabi ng isa naming kaklase at sinalubong kami.
mag-bestfriend haha late na kayo sa balita AKIN NA 'TO!
"ako na jan."sabi ni baekhyun at sinubukang kunin yung bitbit kong bag pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"bakit hindi si hyeran kasab—"agad naman pinutol ng isa naming kaklase yung sinasabi nung pinakamadaldal sa klase namin dati. kaya most talkative 'to eh!
"ah, tara na."sabi nung may ari ng private resort. yamarn diba? papaampon na nga ako eh.
pagpasok namin nakita ko si hyeran na nakaupo don sa may sofa. ngumiti naman siya nang makita niya kami– nung makita niya si baekhyun. hindi naman na ako nagulat na nandito siya. pero mas masaya siguro kung hindi na lang siya pumunta : ) pero malamang nandito siya kasi kung nasan si baekhyun nandon din siya– charot not charot.
kaklase kasi namin siya nung third year at fourth year. crush na niya si baekhyun nung first year kaso sorry siya hindi sila magkasection bleh. tapos naglandian na sila ng fourth year high school haggang college irita besh! bakit hindi na lang si class president ang pinatulan niya diba? bakit si baekhyun pa?! tapos naging sila ngayong fourth year college yun yong biglang nagkaron ng distansya samin ni baekhyun. hindi sila mapaghiwalay kadiri. buti na lang nagbreak sila hakhak kasi walang forever.
"kain na tayo ng lunch!"aya nung buraot sa klase namin dati. "gabi na lang tayo mag-swimming para masaya."
—
"stephanie, shot."sabi ng isa naming kaklase na lalaki at inabot sa akin yung shot glass. tinitigan ko lang yon. amoy pa lang nadidiri na ako. hindi naman talaga ako umiinom.. hehe minsan lang pero hindi ko kasi trip ngayon.
"h-hindi kasi ako umiinom eh."pagdadahilan ko at sinubukan ilapag yung shot glass pero nagreklamo sila.
"ito naman! minsan na lang tayo magkakasama magwalwal eh."sabi ng isa pa naming kaklase.
"h-hindi kasi talaga ako umiinom—"
"ako na."sabi ni baekhyun at kinuha sa kamay ko yung shot glass at mabilis na tinungga.
naghiyawan naman yung mga kasama namin na akala mo naman may nanalo sa lotto. pero agad din namang natigil nang tumikhim si hyeran.
"so hindi na ba kayo mag bestfriend lang?"tanong ng isa naming kaklase at naghiyawan na naman. ganito din yung hiyawan ng mga kaklase namin nung hinalikan ako bigla ni baekhyun sa classroom.
tumatawang tumango si baekhyun. lumapit naman ako sa kanya at bumulong, "baekhyun, konti lang ang iinumin mo ha."tumango naman siya. humawak pa sa bewang ko at nagnakaw pa ng halik sa pisngi aba!
BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs