baekhyun's point of view.
"ikaw ha."pang-aasar ko sa kanya. "grabe yung tingin mo sa'kin kanina ha."sabi ko pa. sinamaan naman niya ako ng tingin kaya natawa ako.
"goodnight na."sabi niya sa akin at humarap na sa kabilang side habang yakap ang isang unan ko. unan pa, hindi na lang ako.
tsk, wala man lang din goodnight kiss kahit man lang sa gilid lang ng labi? o'sige kahit man lang sa cheeks, wala? wala?! WALA?!
"Kiss ko?"tanong ko pero hampas lang ng unan ang natanggap ko. Hindi na nga napagbigyan nahampas pa!
Nagdaan ang ilang minuto pero hindi parin ako makatulog. Hindi dahil sa katabi ko siya at may naiisip akong masama. Kundi dahil natutuwa ako na okay na ulit kami at balik ulit kami sa dati. Walang awkward, masaya, wala na yung galit niya sa akin at galit ko sa sarili ko, at yung takot niya na baka masaktan ko ulit siya.
"I love you."bulong ko. napahagikgik pa ako. syete, ako pa ang kinilig. Tumingin ako sa kanya pero no response. Tulog na nga ata. Dumikit lang ang ulo sa unan nakatulog na! Oo nga pala, isa ang pag tulog sa mga priorities niya.
"Alam ko nasaktan kita ng sobra at ako pa ang unang nanakit sayo.. ako na bestfriend mo."paninimula ko. Wala akong pake kung tulog siya pero ihahanda ko lang yung sarili ko na sabihin sa kanya ang mga 'to. "sorry kung hindi kita naintindihan nung sa clinic.. sorry kung napagtaasan kita ng boses. at sorry kung sarili ko lang inisip ko non."
"Mahal na mahal kita. At kung bibigyan mo ako ng chance na mabago yung mga nagawa ko, hindi ko na yon sasayangin."sabi ko pa.
"Poste ko.. papayagan mo ba akong ligawan ka?"tanong ko. Tumingin ulit ako sa kanya. Baka sakaling sumagot. Pero wala eh tulog na talaga ata.
"Baekhyun, alam mo namang tulog na—"
"Sila Mama muna tanungin mo."rinig kong sabi niya. Napaupo ako dahil sa gulat. Lumapit ako sa kanya at sinilip kung gising siya baka kasi umasa ako tapos nananaginip lang pala. Pero nakita ko na nakangiti siya.
"Talaga?!"masaya kong tanong sa kanya.
"Oo nga!"pasigaw na sagot din nito sa akin.
"Oh, bakit ka umiiyak?"tanong ko. Pero umupo lang din siya at niyakap ako. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Nagulat naman ako sa pag-iyak niya. Hindi ko naman kasi inaasahang ganito ang mangyayari.
Hinahaplos ko lang yung buhok niya at hinihintay na tumahan siya.
"Alam mo ba na ang saya-saya ko."sabi niya at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.
"Ako din naman."sagot ko. "sobrang saya ko."
Hindi ko na papakawalan 'tong babaeng 'to. Hinding-hindi na.
—
BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs