end

765 24 12
                                    

juk lang yun HAKHAK gusto ko lang manakit hihihihih eto talaga yung last chapter mej nalate lang hehi😋

stephanie's point of view

napabalikwas ako dahil don. pagdilat ng mga mata ko agad kong tinignan yung kamay ko at parang gumuho  ang mundo ko, bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko na may singsing akong suot dahil hindi pala iyon panaginip.. hindi yon panaginip..

tumingin naman ako sa lalaking katabi ko hindi na pula ang mga buhok niya. pero pula ang buhok ni chengcheng nung pinakasalan ko siya.. baka nagpakulay ulit ng itim?

bigla namang bumuhos ang mga luha ko. hindi si baekhyun ang pinakasalan ko. hindi si baekhyun ang nakatuluyan ko. hindi si baekhyun ang pinangakuan ko ng pagmamahal habang buhay sa harap ni God. naaalala ko pa yung sakit sa mga mata niya non, yung pilit na mga ngiti niya at pati na yung mga luha niya. napakasama ko naman sa kanya.

"mommy."nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla bumukas ang pintuan ng kwarto at may pumasok na apat na lalaking bata. APAT NA LALAKING BATA?!

mommy? tinawag nila akong mommy? naiyak naman ako lalo dahil doon. pero nagulat pa ako sa sarili ko na alam ko ang mga pangalan nila. si Apollo, Eros, Ares, at Eren. bakit alam ko?! bakit alam ko?!?!

siguro kaya hindi si baekhyun ang nakatuluyan ko... kasi nabuntis ako ni fan chengcheng! grabe, napaka walanghiya ko naman pala. mahal na mahal ako nung tao bakit hindi pa ako sa kanya nagpabuntis— ay ano.. bakit nagawa ko pang mangaliwa?!

"mommy, bakit ka po naiyak?"tanong ni Eren.  naiyak naman ulit ako lalo kasi ako nga yung mommy na tinawag nila. apat agad nagawa namin.

kinabahan naman ako ng gumalaw yung lalaking katabi ko. hindi ko pa siya handang harapin ngayon. baka magalit siya kasi nagsisisi akong pinakasalan ko siya at nagsisisi na nakagawa kami ng bata— ng mga bata.

eh bakit ba hindi na lang ako tumakbo nung kasal? papanagutan naman siguro ako ni baekhyun kahit na hindi sa kanya yung mga bata pero ang kapal naman talaga ng mukha ko para mangaliwa kay baekhyun. mahal na mahal ako non at mahal na mahal ko siya pero putangina anong nangyari?!

"daddy, si mommy naiyak."sabi ni Ares at tinapik-tapik ang braso nung tatay nila kaya naman nagpanic ako. tumalikod ako sa kanya at yumakap ng unan para itago ang mga luha ko.

wag niyong gisingin jusko!

"jagi?"rinig kong tawag niya. tumigil naman bigla ang tibok ng puso ko teka bakit-

ayoko na talaga! bakit niya ako tinawag na ganon?! Si baekhyun ba siya ha? si baekhyun ba siya kapal ng mukha niya! si baekhyun lang ang may karapatan na tawagin akong jagi! 

"bakit ka na naman naiyak? masakit na naman ba ang tyan mo? masyado bang malikot ang baby jan sa tyan mo?"tanong niya. hindi ko siya hinaharap at patuloy lang sa pag-iyak.

"gusto mo ba ng jollibee?"wag mo kong tanungin nyan! tatanggihan ko yan kahit jabi yan kasi hindi ka naman yung jollibee supplier ko. hindi ka si baekhyun!

"bibilhan mo lagi ng jollibee yan.. kasi from now on ikaw na jollibee supplier niya."  

bakit niya sinabi yon?! siya lang naman ang gusto ko na jollibee supplier ko ah. ayoko na magma-mang inasal na lang ako unli pa yung kanin. wala na naman si baekhyun para bayaran yung 50 pesos na unli rice sa jollibee. 

 pero anong sabi niya? baby sa tyan ko?

agad naman akong napatingin sa tyan ko at nakitang medyo malaki yon. hindi.. hindi pwede baka ano lang nabusog lang ako masyado kagabi na hanggang ngayon ganito pa din. baka inubos ko yung kanin sa rice cooker. tama, baka yon nga. pero hindi eh!!!! 

"tangina ka bakit may bata na naman sa tyan ko? hindi pa ba sapat yang apat?"iyak ko at pinaghahampas sa kanya yung unan na yakap ko kanina.

"teka- aray jagi! ikaw 'tong may sabing gusto mong magkaron ng baby sister yung apat!"sagot naman niya sa akin kaya napatigil ako sa paghampas sa kanya. AT AKO PA TALAGA ANG NAG-INSIST NA MAGKARON PA KAMI NG ANAK! 

tumingin ako sa mga bata sorry sa inyo ha, "sa totoo lang chengcheng nagsisisi--"

"sino si chengcheng?"tanong niya.

"kingina diba ikaw si cheng- BAEKHYUN?!"sigaw ko at hindi makapaniwalang siya yung lalaking katabi ko. agad akong lumapit at niyakap siya. takte asan si fan chengcheng? linayasan ko ba siya at sumama ako kay baekhyun?

"ano bang nangyayari sayo?"naguguluhang tanong ni baekhyun.

"akala ko.. hindi ikaw yung pinakasalan ko."sagot ko. akala ko talaga and mabuti na yung akala ko lang!

"mom, you're weird."cold na sabi ni Apollo kaya tinignan ko naman siya. bakit ganito ang isang 'to?!

"jagi, 5 years na tayong kasal."sabi niya. "nakalimutan mo?!"

"a-ano.. hindi! ano kasi.. ang makatotohanan kasi nung panaginip ko."sabi ko pa at napakamot sa ulo. masyadong makatotohanan to the point na muntik ko na makalimutan ang reality.

para pala akong baliw.. so..

bigla na lang ako napatakip sa mukha ko at tumawa. panaginip lang yon. si baekhyun parin pala ang nakatuluyan ko sa huli. 

"dad, i think mom--"

"jagi, okay ka lan--"hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya. "mahal na mahal kita."sabi ko pa. tinignan ko siya at hinila niya ako para halikan ako sa noo, "mahal na mahal din kita."

tumingin ako sa mga bata at nakangiti silang lumapit sa amin ni baekhyun. "mahal na mahal ko kayo."

yung bestfriend ko, yung ni-rebound ako, yung sinaktan ako, yung jollibee supplier ko, yung pinangakuan ako nang kasal nung bata pa ako, yung mahal ko.. eto, naka-apat na kami at may susunod pa.

  — end

uy thank you talaga ha wag na kayo magalit sa'kin HAHAHAHAHAHHA LOVE KO KAYO AYIEE



rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon