stephanie's point of view.
"pogi natin ngayon ah."sabi ko kay baekhyun. lumapit ako sa kanya at inayos yung necktie niya. ang gulo kasi para paring bata, "tanda mo na hindi parin marunong magnecktie."sabi ko pa.
nang-iangat ko yung tingin ko sa kanya nakita ko yung luha sa mga mata niya. ayoko talagang umiiyak 'tong isang 'to. nakakahawa eh.
"bakit na naman?"tanong ko.
"wala, ang ganda mo lang ngayon."sabi niya at tumawa sabay punas sa mga luha niya.
"so, ngayon lang?!"tanong ko. pinanlakihan ko siya ng mata. "nabighani ka nga ng ganda ko!"
ngumiti lang siya at isang patak na naman ng luha ang tumakas sa mata niya. hinila ko siya at niyakap nang mahigpit, "baekhyun naman eh." hindi siya nagsalita at yumakap na lang din nang mahigpit.
hindi mo din ba naisip na ganito ang mangyayari sa huli?
naghiwalay din naman agad kami nang may kumatok. pagbukas ng pinto si mama lang pala. ngumiti siya at nang makita si baekhyun ay agad na nag-abot ng tissue. baby yan ni mama eh. diba nga anak din ni mama si baekhyun.
"tara na, hinihintay na tayo sa simbahan."sabi ni mama.
"u-una na po ako don."sabi ni baekhyun. tumango naman si mama. bago niya isara yung pinto tumingin muna siya sa akin.
"i love you."
—
"nandito na yung bride."rinig kong sabi nila pagkalabas ko ng sasakyan. nginitian ko naman silang lahat. inalalayan ako ni mama papunta don sa may pintuan ng simbahan. agad naman silang pumila para simulan na.
isa-isa nang naglakad papasok yung mga flower girls, ring bearer, bridesmaid, best man.
"anak.. ayos pa ba yung kilay ko?"tanong ni mama kaya agad naman akong tumango baka kasi mataranta pa. at biglang umalis para magkilay, "i love you, anak."sabi pa ni mama bago siya pumasok sa simbahan.
at ako na yung sunod. lahat ng mata nila ay nakatutok sa akin hinihintay ang paglakad ko patungo don sa dulo ng pulang tela na inaapakan ko.
nakita ko siya don sa dulo nakangiti habang nakatingin sa akin. ang bilis ng panahon ano? dati hinihintay niya lang yung pag gising ko ngayon nandon na siya sa may altar, hinihintay ang paglapit ko.
nang nagsimula na akong humakbang lumakas ang kabog ng dibdib ko. hindi ko alam kung dahil sa kaba dahil lahat ng tingin nila ay nasa akin o dahil sa halo-halong nararamdaman ko. ganito ba talaga ang feeling ng mga bride?
naalala ko yung mga sinabi niya sa akin dati.. yung nakakaloko niyang tanong,
"sa tagal nating magbestfriend naisip mo ba na gusto mong maging tayo?"
tapos nung nagselos siya don sa partner ko sa reporting..
"nagselos lang naman ako. hindi ko pa naiisip na dadating yung araw na maaagaw ka na sakin ng magiging boyfriend mo.. gusto ko akin ka lang."
tapos yung..
"hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita.."
tapos yung pilit niyang pinapaalala sa akin na first and second kiss siya eh hindi ko naman nakakalimutan! at siya pa daw ang magiging last kiss ko..
yung pagtawag niya sa akin ng..
jagi..
pusa ko..
poste ko..
yung ayaw niya ipaagaw yung title niya as a jollibee supplier ko.
"siya na jollibee supplier mo?"
tapos yung,
"mahal na mahal kita."
at sa lahat nang naaalala kong sinabi niya sa akin ang pinaka-gusto kong bawiin niya ay yung..
"kung dadating man yung panahon na hindi na ako, ikaw pa rin."
"hi,"sabi ko at kumaway sa harap niya. "wag ka nang iiyak ha.. baka hindi ko kayanin."sabi ko pa. tsaka kapag umiyak ka.. hindi ko na trabaho yung punasan ang mga yon. sa ibang luha na kasi ang pupunasan ko.
tumawa lang siya at inabot yung kamay ko, "congrats."sabi niya. tumango naman ako at hindi na pinansin yung pilit na mga ngiti niya.
"thank you baekhyun ha."sabi ko. "for staying.. for being my bestfriend parin kahit na ganito ang nangyari."
bakit gusto kong kalimutan niya? kasi kailangan din naman niyang mahanap yung the one niya. yung magmamahal ng totoo sa kanya. yung ipaparamdam sa kanya yung pagmamahal na higit pa sa naiparamdam ko sa kanya noon. yung hindi siya iiwanan. yung hihintayin niya din sa dulo ng pulang tela na 'to. yung makakasama niya habang buhay. yung makakasama niyang gumawa ng pamilya. yung magpupunas ng mga luha niya dahil iyakin siya.
"wala eh."sabi niya. "masakit man sa akin na makita kang ikasal sa iba pero hindi naman pwedeng wala ako sa special day mo diba.. bestfriend."
humarap siya kay fan chengcheng, "alagaan mo mabuti bestfriend ko ha."sabi niya at binigyan niya pa ng pat sa likod si chengcheng, "bibilhan mo lagi ng jollibee yan.. kasi from now on ikaw na jollibee supplier niya."
"thank you."sagot naman sa kanya ni chengcheng.
ngumiti ulit siya sa akin bago niya ilipat yung kamay ko na hawak niya sa kamay kamay ni chengcheng.
hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni chengcheng at sabay na kaming naglakad papunta sa harap ni father. hiindi na ulit lumingon kay baekhyun. ayoko, baka bumalik ako kapag nakita kong umiiyak na naman siya. pero nandito na kasi.. nangyari na.
siguro ganito nga ang mundo.. hindi lahat nang inaakala at hinihiling mo magkakatotoo. hindi dahil minahal mo sa napakahabang panahon ay makakatuluyan mo at makakasama mo hanggang sa dulo. sabi nga sa movie na meet me in st. gallen, "maybe we just came to make each other happier."
kasi dito sa mundong ginagalawan natin.. you will eventually meet someone special in your life, but it doesn't mean the two of you are meant to be with each other. and not everybody we wish to be ours, ended to be ours .
si baekhyun.. yung childhood sweetheart ko, puppy love ko, yung first heartbreak ko, yung first love ko, yung pinangakuan ako ng kasal nung bata pa ako.. yung bestfriend ko.
—the end
BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs