91

616 32 8
                                    

stephanie's point of view

"ano ba papanoorin natin?"tanong ko sa kanya habang sinosolo ko yung fries. tinignan ko siya at inirapan lang ako. aba!

"hoy!"tawag ko sa kanya at binato siya ng catsup.

"buti pinansin mo pa ako."sarcastic na sabi niya. aba, anong dinadrama nito? "pagkain lang ata pinunta mo dito."sabi pa niya.

"buti alam mo."sagot ko. "joke lang!"bawi ko agad baka umiyak na naman. iyakain pa naman 'tong baby ko ay AY—

nagtatampo na naman. pinagseselosan na naman si jollibee! hindi niya ba alam kung tatanungin niya ako kung siya o ang jollibee.. ang sasabihin ko, "siya na jollibee supplier ko." pero syempre hindi muna kasi pakipot muna tayo dito mga dai! pa-hard to get ganon!

"kanina pagpasok mo dito 'yang jollibee agad pinuntahan mo! di mo man lang napansin na nanghihingi ako ng hug."nagtatampo pa na sabi nito.

lumapit naman ako at akala naman niya yayakapin ko siya pero sinubo ko lang sa kanya yung anim na natirang fries kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"fifty shades of grey ba?"tanong ko habang naghahalungkat ng mga cd sa cabinet sa ilalim ng patungan ng tv.

"hala byun baekhyun ano 'to?!"sigaw ko. "bakit ka may ganito dito?!"tanong ko pa.

"hoy wala akong ganon! good boy 'to."sigaw niya pabalik sa akin.

"bakit yon ba tinutukoy ko?"mataray kong tanong. "eto lang naman nakita ko."sabi ko at hinagis sa kanya yung cd na sophia the first.

"ayan ha! may tinatago ka talagang kabaklaan."sabi ko at tinawanan siya.

At dahil wala akong nahanap na magandang panuorin sa mga cd niya. Nanood na lang kami sa internet. Yung Boss Baby, ako pa nga ang nag-isip. Muntik ko na nga siyang pakainin ng mga cd kasi siya nga itong nagyaya na magmovie marathon tapos hindi niya alam kung ano ang papanuorin namin!

"poste."tawag niya kaya naman napatigil ako sa pagkain ng jolly hotdog.

"walang malisya."sabi niya. kumunot naman noo ko sa sinabi niya.

magtatanong pa sana ako kung ano yon pero biglang lumapat ang labi niya sa may gilid ng labi ko.

"may sauce ng jolly hotdog.. sayang."

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon