40

686 26 7
                                    

Stephanie's point of view

Pagkatapos ko magdasal nag-sign of the cross na ako at bumaling muna sa katabi ko na nagdadasal parin bago bumalik sa pagkakaupo.

Nilibot ko yung mata ko sa loob ng simbahan. Ang banal naman sobra nito ni Baekhyun. Sa simbahan agad ako dinala. haha. Sunod na punta ba namin sa simbahan kasal na namin?

"Mahal ko na po ata siya."napalingon ako kay Baekhyun na nakapikit na nagdadasal.

Mahal na daw niya sino?

Bigla namang nasira ang ini-imagine ko. Sabi nga nila 'wag mag-expect o umasa.. masasaktan ka lang!

Umusog na lang ako ng kaunti para hindi ko marinig yung mga iba pang dadasalin niya na lalakasan niya ang pagkakasabi. Ulol nito hilig manakit ha. Wala akong dala na anesthesia ha, sana ininform mo ako na may pa-ganto ka pala edi sana nagbaon ako.

"Kanina ka pa tapos?"nilingon ko siya at tunanguan na lang.

"Narinig mo yon?"tanong niya pa. At dahil matatakutin ako lumapit ako sa kanya habang naghahanap sa paligid ko kung ano yon.

"M-May naririnig kang di ko naririnig?"tanong ko habang nakakapit na sa sweatshirt na suot niya.

"Oo, yung puso ko hindi mo naririnig eh."at dahil doon sa sinabi niya napatingin ako sa kanya dahilan para magtama ang mga mata namin.

"S-Syempre nasa loob ng kataw—"

"Narinig mo nga?"tanong niya pa ulit.

"Ang alin ba? natatakot na ako oh."naiinis ko ng tanong.

"Yung Mahal ko na po ata siya."sagot niya.

Gago, sige ulitin mo ha! kunware walang nasasaktan dito! kunware strong ako!

"O-Oo.. tara na, nagugutom na ako."sabi ko at tumayo na at inayos yung buhok ko mahangin kasi dito sa loob ng simbahan kaya nagsabit-sabit na yung buhok ko.

"tara na."pag-aaya ko pa at nagsimula na maglakad.

Pero bago pa ako makalayo nahila na niya ako paharap sa kanya.

"Susumbong kita kay Papa Jesus nanghihila ka bigla."pananakot ko sa kanya at humarap sa ibang direksyon kasi ang lapit niya sa akin.

"Mahal na ata kita."

biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Nararamdaman ko na pinagpapawisan na yung kamay ko na hawak niya. At lalo pang nagwala yung puso ko ng hawakan niya ang pisngi ko para makaharap ko siya.

"Mahal na kita."

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon