stephanie's point of view
pagpasok ko ng bar nahagilap ko agad siya. doon parin sa dati niyang pwesto. sa pwesto na sabi ko kakalimutan ko na. pero eto buong-buo parin ang alaala sa isipan ko at bumabalik ang sakit nang tignan ko yung pwestong iyon.
"baekhyun, tara na.."sabi ko sa kanya ng makalapit ako. inagaw ko yung beer na hawak niya at padabog na nilapag iyon sa mesa.
"s-sino ka?"tanong niya at tinignan ako sa mukha pagkatapos ay gulat na lumayo sa akin, "l-lumayo ka.. baka magalit lalo yon sa akin kapag nalaman niyang may babaeng nalapit sa'kin."
kung hindi lang ako galit sa kanya ay kanina pa siguro ako humagalpak sa tawa doon pa lang sa gulat siyang lumayo na parang ibang babae talaga ako.
"baekhyun, si stephanie 'to."sabi ko pa at pilit na inaabot siya pero lumalayo siya.
"ginagamit mo pa pangalan niya para makuha mo ako!"sigaw niya at tinago sa likod ang mga kamay para hindi ko siya mahila.
"tangina mo byun baekhyun 'wag mo kong pahirapan!"sigaw ko din at hinawakan yung bote ng alak para kunwaring ipupukpok ko sa ulo niya.
"hindi ako sasama sayo.."sabi niya at lumayo pa. "kay stephanie lang ako sasama."
"baekhyun, ako nga 'to eh!"sigaw ko. "ang hirap talaga makipag-usap sa lasing."tumingin ako sa paligid at wala namang nakatingin sa amin at nagsasaya silang lahat. maghahanap sana ako ng tutulong sa akin.
si chanyeol kaya? kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng pantalong suot ko at nasa kalagitnaan na ako ng pagtatype ng text ay biglang nagsalita si baekhyun.
"halikan mo nga ako kung ikaw siya."
napatawa na lang ako ng pilit, "ano uulitin ko na naman katangahan ko?"wala sa sariling sagot ko.
"ano, dali.."sabi niya pa. tumingin lang ako sa kanya at inirapan siya. lasing ka na nga't lahat-lahat ganyan ka pa din.
paano kung hindi talaga ako 'to? magpapahalik ka para lang maiuwi ka ha?!
kinuha ko ulit iyong bote ng alak sa lamesa at mabilis na tinungga iyon.
lumapit ako sa kanya at mabilis na inilapat ang labi ko sa labi niya. lumayo agad ako at nakita ko pang sinubukan niya akong hawakan.
pinunasan ko muna ang luhang tumakas sa mata ko bago siya hilahin sa braso, "uwi na tayo."
—

BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfic"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs