stephanie's point of view
"anong pag-uusapan natin?"tanong ko. ako na ang naunang nagsalita kasi kanina pa kami dito pero walang may gustong magsalita. siya itong nagyaya na mag-usap kami pero ayaw ibuka ang bibig.
"sorry.."sabi niya.
"okay."sagot ko naman.
"nakipagbreak na ako kay hyeran."pagkekwento niya. tumingin ako sa kanya at nakitang nakayuko siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.
"nasabi nga sa akin ni tita."sagot ko naman. at tumingin na lang sa may ring.
"akala ko mahal ko pa siya."sabi niya. tumingin ulit ako sa kanya pero this time nakatingin na din siya sa akin. kaya naman umiwas agad ako.
"akala ko para sa kanya parin yung nararamdaman ko."sabi niya. "at ang tanga ko para isipin yon.. kasi hindi na naman siya yung kasama ko."
kasi ako na diba? ako na yung kasama mo pero bakit ganon..
"akala ko nung nagkabalikan kami sasaya ako.. pero mas masaya parin nung ikaw yung kasama ko."pagtutuloy niya.
humigpit ang mga kapit ko sa sariling braso ko. hindi dahil malamig kundi dahil kontin na lang babagsak na ang luha ko.
"siya ang kasama ko pero ikaw yung nasa isip ko."sabi niya pa. tumingin ako sa kanya at napansin ko ang luha sa pisngi niya.
bakit ka umiiyak? hindi ba dapat ako ang umiiyak sa'ting dalawa dito.
"presesnsya mo ang hinahanap ko."biglang nagcrack yung boses niya kaya naiyak na ako. tulad nga ng sabi ko ayaw ko na umiiyak siya lalo na kapag dahil sa akin.
"ang tanga ko para isipin na siya parin kahit na nasa harap ko na yung totoo mahal ko."sabi niya habang umiiyak.
"sorry kung hindi ko maamin na kasalanan ko."bigla naman siyang tumawa ng pilit. "sorry nasaktan kita.."
"may hinahanap din ako baekhyun.. hinahanap ko yung dahilan kung bakit nagkaganon? kung bakit nagawa mo sakin yon."sabi ko.
"sorry.."bulong niya. pinunasan niya yung mga luha pero tumigil din siya kasi sunod-sunod parin ang pagbagsak ng nga luha niya.
"late na ba ako?"tanong niya.
hindi ka late pero.. ayoko, baekhyun eh. baka kasi hindi ka pa din sigurado sa nararamdaman mo. na baka bigla mo ulit akong iwan at sabihin siya parin pala ang mahal mo. na akala mo ako na kahit na hindi naman pala. natatakot ako na maniwala sa salitang walang kasiguraduhan. natatakot na masaktan ulit sa parehong dahilan.
lumapit ako sa kanya at hinawakan yung mga kamay niya, "sorry din ah."
tsaka na siguro.. kapag sigurado ka na talaga. kapag wala na yung takot, galit at sakit.
"o-okay na tayo?"tanong niya. medyo lumiwanag ang mukha niya.
"pero kasi akala ko din kaya pa kitang tanggapin at sabihin na akin."sabi ko.
nginitian ko siya humigpit ang kapit namin sa mga kamay namin, "mahal kita pero tama na siguro.. "
—

BINABASA MO ANG
rebound | b.bh
Fanfiction"ganda ng buhok mo ah, rebonded ka?" ---- exo epistolary #1 | ©baekhyunahs