Chapter 1: She's The Boss

671 16 3
                                    


A/N: Hi yan lang muna sasabihin ko hindi ko na papahabain ang aking pakikilala basta basahin niyo nalang.

~Janette

Kahit anong tingin ko sa sarili ko napakaganda ko paring diyosa at hindi na makayanan nang salamin ang kagandahan ko kaya laging nawawarak ito kaloka, may pawarak sound effect pa yung salamin ayaw nalang tumili at sabihan akong maganda.

"Ang ganda naman nang anak ko." Tugon nang aking ina, aba syempre isa ata akong dyosa na napadpad dito sa pangit na lugar, so kadirdir bat nga ba ako napadpad sa gantong lugar dapat doon ako sa paris napadpad ng may kalahi akong mga dyosa! ganern!

"Ako pa! isa akong dyosa nang balat ng lupa, yun ngalang daming pangit sa lugar na ito." Napailing lang si mama at bumaba nalang.

Imbyernas kaloka ang mother niyo! parang hindi naniwala sa beauty na taglay ng anak niya, at aray ahh! sariling nanay hindi naniwala sayo! kakalerki!

Syempre ako naman todo tingin sa salamin hindi ko nalang pinansin si mudra, Kaloka wala na ata gaganda sa tulad kong diyosa.

Nang pababa na ako ay biglang nag ring ang aking napakagandang cell phone na kasing ganda ko! Lahat ng bagay na nasaakin maganda.

Si Alex lang pala ang natawag, akala ko pa naman prince charming ko na. She is my best friend by the way maganda rin siya pero mas maganda ako sakanya, take that as a note thanks *wink*

"Hello? bakit? dumami ba fans ko sa school at first day na first day eh dudumugin na ba ako?" Sabi ko dito.

"Gaga! first day na first day malalate kana, nag palipas oras kananaman sa salamin ano?" Tumingin ako sa orasan, at kaloka 10 minutes nalang late na ang dyosa sa school nako better off nako sa salamin at baka madala ko pa sa kotse tong napakalaking salamin.

Ganun talaga pag mahal mo ang salamin mo! aminin niyo girls, always in bathroom kayo ano!? HAH! huli ka balbon!

"See ya later my beautiful mirror *muwah*"

Baka pag wala pa ako doon eh maging haunted school na yun at ako lang ang pwedeng mag pakinang sa mga hipaparot na tao doon.

"Sige na at roroga na ang dyosa." Sabay baba ng phone.

"Candidate #4, Miss Janette Anne Galiseyo" Sabay patugtog ng pang miss universe na tunog.

Bumaba nang parang isang beauty queen na nanalo sa competition, sabay flip ng hair.

"Hello and Hi, i participated in this-- ay loka malalate na pala ako."

"Ma! late na ako aalis na ako hah!." Narinig naman siguro niya ako ano? Hindi naman bingi si mader pag nasigaw ako kaya GORA!!!

Pag labas ko ay tumingin muna ako sa paligid ligid at nag flip nang hair bago sumakay sa napaka mahal kong kotse.

(NA: Hilig mag flip ng bruha eh ano? hindi ako yung nag fliflip ng hair yung character dito.")

Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay nasa school na ako, hindi bagay sa beauty ko kasi ang mag tagal sa kotse baka masira lang, you know aircon makes your skin dry, ay may pa english ang mayora!

"Oh nandyan napala ikaw tara na nga." Pumasok na nga kami nang campus ni Alex at may tatlong pugo na humarang sa dinadaanan namin. Magpapa fansign ata.

"Nako dito kaparin nag aaral KULOT SALOT?!" Sabi nung nasa gitna at sabay tawanan nilang lahat.

"Oo nga eh, at least may dyosa pa na nag aaral dito, eh kayo? *sabay tingin eww sakanila* saling kitkit lang ata kayo dito ay hindi pala lamok lang pala kayo dito HAHAHAHAHA!!" Kay umagang umaga eh may panira nang beauty ko, nakakadirt ng face.

Normal na yan sa isang katulad ko na kinaiingitan nang mga tao. Magulat ka nalang pag may rumagasang babae na pag seselosan ako, sa ganda kong to? HAH! maingit sila.

"Dyosa? baka dyosa nang katakutan." Sabay tawa naman nila agad, joke bayun? really? is that it?

"Oo dyosa ako kayo naman kampon nang lupa, eww! uso tumingin sa salamin mga beshie, bawas bawas din nang make up nag mumukhang putik nakayo at clown sa mukha niyo." Sabay ngiti ko sakanila.

Ang kapal kapal nang make up kulang nalang eh ubusin na nila ang foundation dito sa pilipinas at itago ang kanilang napaka pangit na mukha kaloka!

"Sumosobra kanang kulot ka ah!" Sigaw nung nasa kanan na babae.

"Oo sumosobra na ang kagandahan ko kaya kayo, try niyong mag lagay nang mas makapal na make up kasi namumula ang mga pimples niyo kadiri." Sabay tawa ko sakanila nang malakas.

Halatang inis na inis na ito kaya rumugo na palayo sa harapan namin, sawakas nawala narin ang pang BV nang aking face.

"Wow hah ka bilib talaga ako sayo saan mo ba nakukuha yan?" Tanong ni Alex habang kami ay papunta sa classroom namin.

"Saan ko nakukuha mga ito? well pag nakita ko mga mukha nila kulang nalang isubsob ko na sa make up." Tumawa lang kami nang tumawa ni Alex hanggang sa makarating na kami sa classroom.

Well history lang naman kasi ang una, pangit nang mood ko ngayon hindi fit sa face ko ang turo ni sir, kasi banaman imbis na history ang ituro, asawa niya ang kinukwento may topak ata prof namin ngayon, bagay naman sakanya subject niya pero dapat History Of My Wife ang title ng libro na ituturo niya, qiqil niya akouh!

Nang matapos ang napaka haba haba niyang pag kukuwento na wala naman interesado ay nag ring na ang bell kaya next subject na it means.

"Mag kapareho tayo nang schedule ha!" Tugon ni Alex.

"Wow ate, are you my stalker?" Sabi ko at tumawa lang siya na parang walang bukas.

Kung siguro matuluyan ito at mawalanan nang hininga, ipapangako ko na dadalaw ako sa lamay niya.

"Makikiramay ako ah, anong gusto mong kulay nang flower ang ipang aalay ko sau? red, white, pink or ano sabihin mo lang kasi konti nalang talaga mawawalan kana nang hininga." Pang asar ko dito.

Totoo naman eh, yung mukha naging tomato na kulang nalang eh pisitin ito nang matuluyan na at mawala na sa mundo.

"Ang OA mo naman bes, kasi parehas tayo nang section kaya ganun." May pasection section pang nalalaman ito ayaw nalang aminin na stalker ko siya.

Hay nako buhay nga naman nang maganda, maganda always be maganda, pangit always be double pangit ay hindi pala pangit always be forever pangit! O ayan may forever na HAHAHAHA!!

Wala na ako magagawa, sa ganda kong ito pati babae nag kakandarapa na saakin, kaya kayo kung mag kakandarapa narin man kayo saakin abay wag niyong lalawayan ang aking suot kundi kamao ko ang babalik sainyo.

"Ay nako bakit ba napaka pangit nang kulot salot nayan?" Sabi nung babaeng nasa gilid namin.

"Bakit kaya sandamakmakan nang kapal yang labi mo nang lipstick? siguro may tinatago ka diyang kapangitan ano?" Tumawa naman si Alex at ako naman napa crossed arm.

"Aba lumalaban ka ah! kulot salot kananga, impaktita kapa." Sabi niya sabay irap saakin.

"Hiya naman ako sa itsura mo ineng itsurang pang ipot na yan eh." Sabay palakpak ko at halatang naiinis na ito sa galit kasi banaman lumalaki na ang butas nang ilong.

"Nako dear, baka titanic na mag kasya diyan sa laki nang butas nang ilong mo." Sabay tawa namin ni Alex with matching apir.

Siya naman napahawak sa ilong niya at tumakbo.

"Eto ang tatandaan niyo, Kulot at Panget man ako sa paningin niyo, pero saakin maganda at dyosa ako." Sabi ko sakanilang lahat, ikaw din pala reader take it as a note!

Oo tama ang nababasa niyo, dyosa ako at walang nang aangal padoon ang umangal ay humarap nalang sa salamin at matakot sa sarili.

A/N: Ano sa tingin niyo guys? okay ba sana okay sainyo vote and comment

Ms.Kulot Salot On The Way [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon