Chapter 23~

125 8 0
                                    

A/N: kaasar talaga nung nadelete ko yung chapter 22, pero naibalik ko naman :(

~Janette

Andito kami ngayon sa bahay ni Kuya Shinlee.

Pinag uusapan namin yung about sa kasal namin na gaganapin kapag nag 18 years old na ako.

"So sweety saan mo gusto mag pakasal?" Sabi ni Mama.

Masyado silang excited about sa mga ganyan taray ahh!

"Ma, kayo ng bahala."

"Opo Tita kayo nalang ang bahala, basta mag kasama kami nito ni Princess sa church ay okay na saamin kahit saan basta ikasal lang kami." Sabi naman ni Kuya Shinlee at ngumiti naman din siya saakin.

Ngumiti naman ako sakanya at ipinatong ko yung ulo ko sa kaliwang balikat niya.

"O sige, chaka nanatin pag usapan yan matagal pa nama eh." Sabi ni Papa.

"Anung matagal honey? kailangan now na para mas maaga." Sabi ni Mama.

May feelings ako na mag dudulot ito sa away nila.

"Honey, we still have 3 years, maaga pa pwede pang pagplanuhan yan when Janette turn to 17 years old para pag 18 niya ayos na ang lahat."

"Hindi pwede malay mo may pumalpak, ah basta! ngayon pag uusapan yan naiitindihan mo wag kanang kumontra pa." Bulyaw ni Mama.

Ayan na ngaba sinasabi ko eh, nag aaway na sila.

"Pumunta muna kayo sa garden at matagal pa itong world war IV nila." Sabi ni Tito Jae.

Natawa naman kami ni Kuya Shinlee at sinunod ang sinabi niya.

Lumabas kami ng bahay na nag aaway parin sila.

Nung unang kita ko na nag aaway sila Mama at Papa inabot ng limang oras na palitan ng bala sa bibig.

Hay nako naman! pati ako natatawa lang sa away nila.

Kasi si Mama inis na, si Papa naman kalmado lang habang nakikipag away , gentleman kasi si Papa mahal na mahal niya si Mama, hindi ko naman alam story nila nung mga bata pa sila.

Never ko pa nga narinig si Papa na sumigaw eh, kahit sakin, hindi niya pa ako sinisigawan.

Pero sa bandang huli naman si Mama parin panalo.

"Nakakatawa silang mag away noh?" Sabi ni Kuya Shinlee.

Nag lalakad kami ngayon sa garden nila, hanggang sa makapunta kami sa fountain ulit at umupo.

"Haha! pangalawang beses palang nila yan mag away kaso matagal sila mag away." Sabi ko.

Kabado much parin ako na may halong kilig.

Niyakap niya naman ako at ipinatong niya ang noo niya sa balikat ko.

"Alam mo bang miss na miss kita nung umalis ako dito sa philippinas." Sabi niya.

Napangiti naman ako, syempre ako rin naman ay miss narin siya.

"Yung nakachat mong babae sa facebook actually, she is my ex girlfriend."

Nagulat naman ako sa sinabi niya, alam ko naman yun eh yung bruha pa talaga ang nag sabi nun saakin.

"Ginawa ko lang naman yun is it because, im testing my self, i didn't open my facebook and look for a girl kasi doon ko lang malalaman kung matatag ba ang pag mamahal ko sayo, at dun ko nalaman na sobra sobra pala ang pag mamahal ko sayo, kaya ibreak with her, then when i open my facebook nagulat ako nang wala akong message kaya tinignan ko yung messanger ko at nabasa ko ang lahat ng conversation niyo, then Tito did call me and he did tell that your sick, i was hurt that time kaya natakot akong mag pakita sayo muli." Paliwanag niya.

Napaluha naman ako sa saya, kase hindi ko alam na ganun pala ang ginawa niya, i guess i learn my lesson na pakinggan ang rason ng tao bago ka manisi at magtanim ng galit.

"Shh, don't cry."

"Salamat Kuya Shinlee."

Grabe ang saya ko naman abot hanggang gilagid.

"No problem Princess, actually mabait naman siya, ang name niya pala is Bianca." Patuloy ng pagkwekwento niya.

"Kahit binereyk ko siya, she is still there for me as a friend, she's FilAm actually, nag aaral lang siya sa korea at lagi niya akong tinutulungan, para ko lang siyang nakakatandang kapatid parang ganun, next time ipapakilala kita sakanya." Sabi niya.

Tumango naman ako sakanya.

"Shin is that you?" Lumingon naman kami sa kaliwa.

Maliwanag panaman kaya kitang kita namin siya.

Isang babaeng naka red dress at brown ang hair niya, mahaba ito at matangkad parang model.

"Bianca!!" Sigaw ni Kuya Shinlee.

Nagulat naman ako siya si Bianca?

"Oh my gosh! i miss you Shin." Tumakbo siya kay Kuya Shinlee at nagyakapan sila.

"By the way, this is Janette yung kinukwento ko lagi sayo sa korea." Pakilala saakin ni Kuya Shinlee.

Wow lagi nila akong topic, mabait naman siguro itong si Bianca sabi ni Kuya Shinlee.

"Hi." Sabi ko.

"Hello, Oo ngapala Shin i heard you have a Fiance who is she?"

"She's standing infront of us, she's my Fiance." Sabi ni Kuya Shinlee.

Tumingin naman siya saakin at what the hell hah! inirapan niya ako.

Akala ko ba mabait toh sapakin ko kaya ito.

"Ah i see, kelan ang kasal niyo?" Tanong ni Biancang malandot.

"Kapag nag 18 siya." Sabi ni Kuya Shinlee.

Nakita ko naman nag grin ang bruha.

"15 palang siya diba?" Tanong ni Bianca malandot.

"Yeah, and i am willing to wait her." Sabi ni Kuya Shinlee at sabay ngiti saakin.

Pero yung mata ko nakatitig parin sa mukha ng malandot.

Ngumingiti lang naman kasi ng masama.

Bigla naman lumapit saakin si Bianca malandot.

"I have still chance to steal Shin away from you, so byebye wedding." Bulong niya saakin.

Aba ang g*ga sarap tadyakan.

"You want war? i'll give you war." Bulong ko sakanya at nag titigan kami ng masama.

Wala akong pake kung mas matangkad siya saakin ng 3 inches.

"Tara na pumasok na tayo sa loob." Sabi ni Kuya Shinlee.

Tumango naman si Bianca malandot at pumilipot kay Kuya Shinlee.

Lumapit naman saakin si Kuya Shinlee at hinawakan ang kamay ko.

Nagulat naman si malandot kaya napabitaw ito kay Kuya Shinlee.

Para lang naman kasi siyang hangin para saakin.

World War IV Are On.

A/N: chuwichoco chuwichuwi, see you next update.

Ms.Kulot Salot On The Way [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon