Chapter 21~

133 8 0
                                    

A/N: Hey Yo GG! kamusta na kayo? salamat nga pala sa patuloy na pag supporta niyo saakin let's reach 1k!

~Janette

Nakakaasar naman si Papa, bakit pa kasi namin kailangan mag dinner sa bahay ng Lee Woo family ehh! kaasar naman!

Bakit kaya ganun? kumikirot parin yung puso ko, tapos ang tamlay ko pa nung pumunta ako kaila Marcus hindi man lang ako nag tagal sakanila.

"Anak tara na it's already 7 pm." Sabi ni Mama.

Pumunta na ako sa living room, i just wear a casual clothes today, yellow jeans at white one offshoulder and a red doll shoes.

"Are you ready?" Tanong ni Papa.

Tumango nalang ako bago kami umalis nang bahay at pumunta kaila Kuya Shinlee.

Parang gusto ko nang umiyak sa kaba, pati bohok ko sa kilikili naninigas na sa kaba.

"Sweety okay kalang ba? bakit pinag papawisan ka diyan? gusto mo palakasan ko yung aircon sa kotse?" Sabi ni Mama.

Huli ka tuloy balbon.

"A-ah h-hindi na Mama, ayos lang ako promise." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

Tumango nalang si Mama at tumingin nalang sa bintana ulit.

Napa buntong hininga naman ako dahil hindi ako nabuking.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay nila Kuya Shiee.

Para akong natatae sa takot, huhu! i wanna go home i want my teddy!

Teka, hindi naman ako ganito ahh! i am strong girl na ngayon dapat labanan ko yung kaba ko kasi parang hindi ako ito.

Ayaw ko ulit maging tulad ng dating pusong mamon na pagkain.

Pinarada na ni manong driver yung kotse sa harapan ng pinto ng bahay nila Kuya Shinlee.

Kami naman ay bumaba na para pumasok.

Kumatok naman si Papa ng isang beses at automatic na nag bukas yung pinto.

Pumasok naman kami sa loob at dumeretso na sa dinning table at nakita namin sila Tita at Tito na nakaupo doon at wala si Kuya Shinlee.

"Nandyan napala kayo Mark and Kris." Nag beso beso naman sila syempre except kaila Papa at Tito ahh! Manly hugged lang sila.

Nakipag beso beso rin ako tapos umupo na kami sa dinning table.

Tumingin tingin naman ako sa paligid pero hindi ko nakikita si Kuya Shinlee.

"Nasan po si Kuya Shinlee?" Ayan hindi ko na tuloy mapigilan mag tanong baka kasi nasa banyo at na flush na doon.

"His always on the garden iha, puntahan mo nalang hindi parin naman luto yung pagkain nainip siguro kaya nag pahangin muna, papatawag ko nalang kayo kung okay na ang foods okay?" Sabi ni Tita Jae.

Tumango naman ako sakanya bago ako pumunta sa garden nila.

Asuswal nandun nanaman siya sa fountain kaya tinabihan ko siya.

"Hi." Sabi ko.

Tumingin naman siya saakin at ngumiti naman ito.

Eto nanaman ako pulado nanaman, nako lakas talaga ng appeal ng tukmol na ito.

"Hello." Sabi niya at bago ito tumingin sa langit.

Tumingin din naman ako sa langit, ang dami ng star ngayon, bakit kaya? may fiesta ata sa langit siguro.

"Can i ask you Princess?"

Tumingin naman ako sakanya at hindi na ako nag respond alam niya nanaman siguro ibig sabihin nun.

Ms.Kulot Salot On The Way [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon