Chapter 18~

163 8 0
                                    

A/N: Eto kakabili lang ng poster ng EXO with my close friends ^_^

~Janette

Back to school na ako, syempre sila naman todo buntong hininga dahil bumalik na ako.

Tuwing wala ako dito hindi laos ang mga itsura nila pero pag nandito ako hindi mabenta itsura nila.

Lagi kasi silang talbog saaking kagandahan kaya ayan, parang may haunted house tuloy dito.

"Nako, pag wala ba ako dito mabenta ba mga pagmumukha nilang imburnal Pauline at Alex?" Tanong ko sakanila.

Tumawa naman sila ng mahina at tumango tango. Tinignan ko naman si Marcus na naka upo mag isa at walang imik.

Dahil wala panaman si Kuya Shinlee lalapitan ko siya para pag kapasok ni Kuya ay magugulat siya saamin haha!

Tumayo naman ako at nag lakad papunta sakanya.

"Oi! saan ka pupuntang babae ka?" Pagpigil saakin ni Pauline sabay hawak sa braso ko.

Tinanggal ko naman ito at nginitian lang siya bago lumakad papunta kay Marcus.

Syempre kahit papaano ay naawa ako kay Marcus, joke lang yung sinabi kong papagselosin ko si Kuya Shinlee.

Hindi ko naman gagamitin si Marcus sa kademonyohan ko no! kawawa naman ito tapos idadamay ko pa.

"Marcus." Tawag ko sakanya na ikinagulat niya naman.

Everytime nalang na tatawagin ko sila bakit sila nagugulat!? Naasar na ako ahh!

Tumingin naman ito saakin at nginitian lang ako nang pilit bago tumungo sa harapan ko, ang lungkotlungkot nang expression niya, dahil siguro sa nangyari.

Wala naman dapat siyang ikalungkot dun dahil alam ko naman na hindi siya ganuong tao, dapat nga ako ang maging malungkot at umingi ng tawad sa ginawa ko sakanya.

"Look Marcus, kung malungkot ka dahil sa ginawa mo saakin, okay lang yun dahil alam ko naman na hindi ka ganuong tao kaya don't felt guilty." Sabi ko sakanya.

Tumingala naman siya kaagad at bigla itong umiyak at niyakap ako sa beywang na ikinatingin nang lahat at ikinatakbo nila Pauline at Alex papunta saakin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Alex.

"Nag shoshooting ba kayo?" Tanong ni Pauline.

Binatukan ko naman si Pauline sa sinabi niya, ang corny talaga nang taong ito kahit kelan.

"Satingin mo nag shoshooting kami g*ga." Sabi ko sakanya na ikinatawa niya.

Itinuon ko ulit ang pansin ko kay Marcus na naiyak parin.

Pinat ko naman ang ulo niya at hinimas himas ang likod niya.

"Shh, shh, wag kana umiyak nandito na ang Ate JA mo, hinding hindi kana iiwan." Sabi ko sakanya.

Pati tuloy ako naiiyak, kasi naman itong tukmol na ito eh! kung na alala ko kagad siya baka siguro inaalagaan ko na ito ngayon.

"S-sorry Ate JA, hindi ko talaga sinasadya yun hindi ko kasi alam na inaalala mo rin pala ako, a-akala ko hindi eh!" Iyak na sabi niya.

Ang OA naman namin dito, pinag bubulungan na kami.

"ATE JA!?" Sigaw nung dalawa.

Tinignan ko naman sila nang napaka sama.

"Ano naman masama dun hah! yan na ang tawag niya saakin dati pa ano may angal paba kayo?" Tanong ko sakanila with matching taas kilay.

"Wala na, haba ng white hair mo teh." Pabiro na sabi ni Alex.

Ms.Kulot Salot On The Way [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon