Chapter 13~

157 7 0
                                    

A/N: Hello, umm mag papatuloy po yung sa part na nasa fountain sila ^_^ short lang ito guys kaya sorry bawi nalang ako next time <3.


~Janette

Impokritang lamok ito oh! mga bampira ata eto eh kaya umiinom nang dugo.

Kapag papaluin kung makalayas eh parang walang nangyari.

Kasi naman nandito pa kami sa fountain nakaupo, eh gabi na hindi ko pa alam ang oras. Kanina pa kami dito hindi umiimik sa isa't isa, buhay nga naman oh!

Bakit ba kasi sa dami dami nang gusto kong malimutan ay yung pag kabata ko pa. kung saan naganap ang mahahalagang memorya saakin na hinahanap ko ngayon.

*Pak*

HAH! t*ng ina kang lamok ka ayan patay ka tuloy.

*Pak*

O Sige pa mangagat pa kayo nakaka dalawa na ako, masaya pumatay nang lamok lalo na kapag walang ginagawa.

*Pak*

HAHA! three down and more to go.

*Pak*

HMM! four down haha! ang saya t*ng ina magawa nga ito araw-araw sa labas namin.

"Nakakailan kana ba diyan??" Napatalon naman ako sa gulat nang nag salita si Shin.

"Nakaka apat na ako marami pa akong gegerahin dito." Sabi ko.

Tumawa naman siya na ikinatitig ko sakanya.

"Anu nakakatawa?" Anu ngaba nakakatawa? teka bakit sarili ko tinatanong ko, diba siya ang tinatanung ko?

"Wala, para kakasing bata." Sabi niya.

Bakit bata pa naman ako ahh, im only 15 years old ang dyosa nang bayan, oh diba may pabongga pa sa huli, CHAR!

"I hope mapadali na yung pag balik nang alaala mo." May binulong siya kaso hindi ko naitindihan dahil sa focus ako sa mga lamok eh.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Papa na si Shin na lang daw ang mag eexplain anu kaya yun.

"Pwede ba ako mag tanong?" Sabi ko.

"Sure Princess anu yun?" Kinakabahan ako ahh! ako nag pasimuno nang tanung tapos kakabahan ako anu bayan.

Kaya mo yan JA! gayahin mo si Monica wag si Nichole push mo yan fighting!

"Umm, anu ba yung sinasabi mong ikaw mag eexplain nang lahat?" Tanong ko.

Nanahimik naman siya sa sinabi ko, aba bastos tong lalaking ito ahh! nagtatanong ako tapos ingay lang nang kuliglig ang nakikipag usap saakin, aba matinde.

"I'll explain it nalang sayo kapag natandaan mo na ang lahat." Nabagsakan ata ako sa ulo nang bato.

Kumakabog yung puso ko sa sobrang kaba para sa isasagot niya tapos yan lang ang isinagot niya aba kung si Adrian makapal ang mukha dahil sa nag two timer siya eh mas makapal pa ang mukha nitong kausap ko para hindi saakin sabihin ang nakaraan namin.

"BWISIT! MAKAALIS NA NGA!" Tumayo na ako sa fountain at akmang papasok na ako sa loob nang bahay nang bigla niya akong hilahin sa kamay at yakapin.

Aray ah matigas! sa sobrang tigas pati utak ko sa loob nalamog sa sobrang pagka bagsak nito.

"Look Princess, i'll tell it when you remember it, kasi mahirap nang unahan baka maguluhan ka at magalit saakin please understand me." Sabi niya.

Napabuntong hininga naman ako, anu pa magagawa ko eh ayaw niyang sabihin hala naman saksakan ko pa ang remote control yung bunganga niya para malaman kung anu yung sasabihin niya.

"Okay fine! wala na akong pake, desisyon mo naman yan hala naman pilitin ko pa, edi nag mukha naman akong t*nga." Tumawa naman siya at inakbayan ako.

Inferness bench ang pabango, kahit ilan oras na ang lumipas mabango parin siya.

Ilong mo Janette nag iiscandalo nanaman, tantanan mo yan baka ikaw na ang pumalit sa ilong ni Vice Ganda.

Narinig ko naman siyang kumakanta kaso hindi ko maitindihan. Korean kasi yung kinakanta niya.

"So lucky to have you, So lucky to be your love, I am, Hmm..." Yan buti nalang may naitindihan ako.

Inferness ang ganda nang boses niya ahh, pang bato sa The Voice Of The Philippines. Nakakarelax pa yung boses niya parang anghel.

Tenga Janette nag iiscandalo din tantanan mo nayan.

"Tara na pumasok na tayo baka tapos na sila mag usap." Tumango nalang ako at nag lakad na kami papunta sa loob nang bahay.

Nang makarating kami sa bahay ay narinig namin na nag tatawanan sila, may Fiesta ata kaya maingay sa loob.

"Oh nandyan napala kayo! pano bayan Jae at Jess mauna na kami." Pag paalam ni Mama kaila Tito at Tita.

"Sige, mag ingat kayo ahh!" Nag beso beso muna sila syempre kasama ako, tapos niyakap naman ako ni Shin na ikinasabog nang puso ko sa kilig.

Lakas talaga nang karisma nitong tukmol na ito eh no? kahit anung gawin niya nag auautomatic tumigil yung katawan ko, may magnet ata ito sa katawan eh.

"Mag ingat ka ahh!" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Tomato face, Butterfly on my stomach, Electric on my body anu pa sunod hah? laglag naba panty shit naman Janette oh!

Anu paba gusto niyo makita saakin? HAH! sumagot kayo! baka naririnig ko kayo! hindi ko kayo marinig laksan niyo!

"Princess, please take care of yourself okay." Sabi niya ulit with worried effect pa sa mukha niyang napaka cute at gwapo na maganda?

Mas maganda pa ata saakin itong tukmol na ito eh! aba matinde natalbugan ako nang lalakeng maganda, cute at gwapo pa.

"Please answer." Tinitigan ko muna ulit siya nang onti bago tumango sakanya na ikinangiti niya.

Binitawan niya na ako at tumalikod naman ako sakanya at pag tingin ko sa likod ay wala sila Mama at Papa pati narin sila Tito at Tita.

Tumakbo naman ako palabas nakita ko yung kotse nasa labas na nang gate at sila Tita at Tito naman nakangiti habang nasa harapan nang pinto nang bahay.

May binabalak ata itong mga ito kaya iniwan kami.

"Ayaw namin kayo maabala kaya lumabas na muna kami." Sigaw ni Tita Jess.

Sabi na ngaba eh may binabalak sila eh, hay nako mga matatanda talaga hindi ko maitindihan ayan tuloy kailangan ko pang mag lakad nang 5 minutes bago makalabas nang gate.

"Hatid na kita." Alok ni Shin.

Tinaas ko naman yung left hand ko para pigilan siya, hindi na ako bata no.

"No need, kaya ko na mag isa." Sabi ko.

"But-" 

"No but, aalis na ako." Napatango nalang siya, ako naman sasabak na sa matinding pag subok nang biggest loser.

Malapit na! onti nalang! konting konti nalang talaga nasa labas na ako nang mansyon.

*After a million seconds*

Sawakas nakalabas narin haha! in your face loser!


Nasa loob na ng kotse sila Mama at Papa kaya binuksan ko yung pinto at akmang sasakay na ako nang kotse nang biglang may nag takip nang panyo sa ilong ko. Anu to kidnapped? (A/N: Hindi Holdap.)


HELP!!! HELP!!!! HELP!!!!


Nakakahilo yung amoy nung panyo kaya para akong mahihimatay at unting-unti lumalabo ang piningin ko sa paligid.


nararamdaman ko naman na binuhat ako nang kidnapper at isinakay sa kotse.

Ang huling narinig ko nalang ay ang sigaw ni Mama at Papa at ang pag bukas nang engine nang kotse na pinag dalhan saakin, bago ako tuluyang nahimatay.

A/N: I'll end here now, see you next chapter bye!

Vote and Comment <3

Ms.Kulot Salot On The Way [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon