Chapter 2: She Met Him

365 15 0
                                    

~Janette

Second day na nang school at nasa harapan na ako nang school nang mga panget, ako lang ata ang maganda dito no and except Alex too, my best friend is a 2nd runner up and i'm the 1st runner up, oh diba may pa rank effect.

"Nawawala yung Puckit Wallet ko!" Sigaw ni Alex.

"Puckit Wallet? saan mo nilalagay yun sa bulsi?" Natawa naman ako sa sinabi ko, kasi parang ewan yung salita eh puckit.

"To naman nakuha pang mag biro nawawala na nga yung pocket wallet ko eh." Sabay acting niya na parang umiiyak.

"Hoy mare 1950's palang uso nayang iyak iyakan nayan kaya hindi uubra saakin yang pangingiyak mo, kaya tigil tigilan mo na nga ako at titignan ko sa cr dun lang naman tayo nag punta." Tumango lang siya saakin.

Syempre ako gumora sa CR para tignan ang akin napakagandang mukha na pwede nang ilarawan sa isang museum.

Pag dating ko sa cr ay may dalawang impakta na nag mamake up doon at nakita ko ang pocket wallet ni Alex at sabay kinuha ko ito.

"Nako sa dami dami na makikita ko eh yung kulot salot pa." Tugon nung nag mamake up pa.

"Bakit kaya ang ganda ko? bakit kaya parang may impaktita sa tabi ko? bakit ang baho nang simoy nang hangin dito?" Tumingin ako sakanila at na shock kunyari.

"OH MY GOSH! i see Dead Face in here!" Halatang nainis naman sila saakin dahil napa crossed arm ito.

"Hoy ikaw kulot ka, usong mag pa straight, ay hindi mo napala kayang mag pa straight kase forever kulot kana pala." Sabay tawa nila nang malakas.

"Hiya naman ako sa hair mo, akin soft and silky eh ikaw? parang walis ting ting nanga yang buhok mo eh should i call you bruha?! HAHAHAHA!" Halatang nagulat naman ito at tumingin sa salamin at nag suklay.

"Impaktitang ito, ang pangit mo na nga kulot kana nga maldita kana nga maliit kapa!" Sigaw nung isang babae naman kaya napa crossed arm ako at nag grin sakanila.

"Ikaw naman, mukhang clown kana nga, mukhang pulubi kapa tapos kamukha mo pa pwet ko ay mas maganda papala pwet ko sayo, kamukha mo pala ang pwet mong napaka pangit!" Tugon ko sakanila with matching halak hak.

Nainis naman sila at lumayas narin sa harapan ko, ako naman pumunta na ako kay Alex na nag iintay sa tapat nang classroom namin.

"Bakit antagal mo!?" Aba maka sermon to ah, siya na nga tong tinulungan.

"Kasi nakakita ako nang kapre sa cr kaya nag tago muna ako baka kasi kainin nila ako." Tumawa lang si Alex bago kami pumasok sa room.

Saktong sakto ay dumating narin ang aming napakagaling na sir, iaannounce niya na may new student dito.

As if i care, wapakels basta ang mahalaga ang beauty ko.

Maya-maya ay may nag tilian sa labas nang room, ano to may artistahin bang pumasok dito kung maka tili akala mo iluluwa na nila baga nila.

"Sino naman kaya yun?" Tanong ni Alex.

"Aba malay ko, imbis na siya ang tilian ako nalang ang tilian nila matutuwa pa ako." Tugon ko kay Alex.

Maya-maya ay nag bukas na ang pinto nang classroom namin at may pumasok na isang napaka gwapong diwata.

"This is Shin Lee Woo the son of the owner of this school." Tugon ng sir namin.

"Nice meeting you all." Tumingin tingin siya sa paligid hanggang sa maistock yung paningin niya saakin at nag poker face na parang nandidiri saakin.

Aba masasapak ko itong lalaking ito kahit gwapo pa siya.

Umupo na siya sa likod ko at narinig ko pa siyang bumulong nang kulot salot.

Ms.Kulot Salot On The Way [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon