Una (Ang Simula)

1.3K 50 1
                                    

Hindi naman ako ganito dati.

Sa katanuyan nga, tropa lang naman talaga ang tingin ko sa'yo. Noong una nga kitang nakilala, hindi man lang kita napuna.

Kasi, wala naman talaga e. Tropa lang naman talaga dapat 'di ba?

Hindi ko na alam.

Hindi ko na alam kung anong dapat paniwalaan ko.

Ito bang isip ko na sinasabing tropa lang dapat o itong puso kong sinisigaw kung gaano kita kamahal?

Oo na, ang gwapo mo.

Ikaw lang naman talaga ang gwapo sa paningin ko e.

Tapos kunwari, ang angas mo.

Kahit ang iyakin mo naman talaga.

Pero shet, tinamaan na yata talaga ako.

At wala ng ibang paraan pa para takasan ang nararamdaman kong ito.

Minsan, napapaisip ako kung swerte ba o malas dahil nakilala kita.

Pero alam mo ba, kahit ang sakit-sakit na. . patuloy pa din kitang mamahalin.

Pangako ko 'yan sa'yo.

Kahit alam kong walang papatunguhan 'tong nararamdaman ko.

Kahit alam kong masasaktan lang ako.

Kahit alam ko sa sarili ko na hanggang tropa lang tayo.

Hirap talaga mainlove sa tropa.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon