Dalawampu't Isa

134 20 0
                                    

Ito na ang isa sa mga kinakatakutan ko.

Hindi na tayo madalas magkita.

Malayo na ang pagitan natin sa isa't isa.

Tanging teknolohiya na lamang ang nagbubuklod sa'ting dalawa.

Alam ko, hindi lang naman sa pagitan natin umiikot ang mundo.

May mga sarili din tayong pinagkakaabalahan.

Mga bagay na kailangang gawin at pagtuunan ng pansin.

Isa sa mga kalaban natin ay ang oras.

Oo, oras. Kung paano tayo magkakaroon ng oras para sa isa't isa.

Paano tayo makakapag-usap ng matagal kagaya ng dati.

'Yong matamis na salita na pinupukol natin sa bawat isa.

Nagsisimula na nga.

Nagsisimula na tayong kalabanin ng oras.

Unti-unti, nararamdaman ko ang bawat pagkaunti ng mga nilalaan natin sa isa't isa.

Na paunti-unti, nagiging malayo ka na sa'kin.

'Yong mga araw na halos gabihin na tayo sa pag-uusap na dalawa, ngayon ilang oras nalang.

'Yong tipong naghahabol ako sa oras mo.

Na ginagawa kong lahat 'yong mga bagay na kailangan kong tapusin mahabol ko lang ang oras mo.

Sa ngayon? Naiiyak nalang ako.

Hindi ko din alam kung bakit ako naiyak.

Basta ramdam ko, ang sakit sa puso.

Atsaka alam mo?

Natatakot din ako.

Simula palang lahat ng 'to, pero napakahina ko na.

Paano pa kaya sa mga susunod na araw?

Kapag senior high na tayo, paano na kaya ang tayo?

Makakaya ba natin talaga?

Kung ngayon pa nga lang, parang ang hirap na?

Oo, sobrang hirap.

Nasanay kasi ako na lagi kitang kasama.

Nasanay akong nandiyan ka lagi.

Sobrang miss na miss kita.

Natutuwa naman ako kahit papa'no, kasi sabi mo miss na miss mo rin ako.

Mahal na mahal kita.

At habang binabanggit mo ang mga salitang 'yan, walang dahilan para masaktan ako.

Kailangan kong magpakatatag.

Kailangan kong intindihin ang sitwasyon.

Kailangan kong maging matibay para sa'ting dalawa.

Alam ko mahirap, pero kakayanin ko.

Kakayanin ko lahat para sa'yo kasi mahal na mahal kita.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon