Labing Tatlo

133 25 0
                                    

Patuloy pa din ang gano'ng relasyon sa'ting dalawa.

Ang galing ko lang maglihim ng nararamdaman kasi walang nakakahalata.

Akala pa din siguro nila, sa tropa mo pa din ako humaling na humaling.

Ngunit ang totoo, ikaw na ang nilalaman ng puso't isip ko.

Dumaan ang ilang buwan, ito na nga bang ikinakatakot ko.

May babaeng nalink sa'yo.

At ang pinakamasaklap?

Isa pa sa mga bestfriend kong babae 'yon.

Pinagtabi kayo sa klase.

Lahat ay kinikilig kapag magkasama kayo.

Lahat ay nakangiti, kaya wala akong magagawa.

Kahit masakit, ngingiti nalang din ako.

Isa ako sa mga naging pasimuno sa pang aasar nila sa'yo sa bestfriend ko.

Ayaw ko lang kasi ipahalata na nasasaktan ako dahil sa inyo.

Ayaw ko malaman ng lahat ang tungkol sa nararamdaman ko sa'yo.

Hindi naman dahil sa ikinakahiya kita, kung hindi takot lang ako.

Takot lang ako na iwasan mo ako.

Takot ako na baka isang araw, mawala ang pagkakaibigan na matagal kong pinangalagaan.

Takot lang akong mawala ka ng tuluyan sa'kin.

Habang tinutulak kita sa kanya, unti-unti namang nadudurog ang puso ko sa bawat ngiti mo.

'Yan ka na naman sa ngiti mo mahal.

Nagsisimula ka na naman bang magmahal ng panibagong tao?

'Wag naman sana.

'Wag naman sana siya.

Ako nalang pakiusap.

Kasi hindi makakayanan ng puso ko na maging masaya.

Parehas kayong mahalaga sa'kin mahal.

Kaya pakiusap, 'wag siya.

Ako nalang sana.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon