Siyam

141 23 1
                                    

Mukhang ang saya mo talaga sa piling niya.

Nakita ko 'yong mga ngiting mo sa kanya.

Ngiti ng sobrang pagmamahal.

Ngiti na puno ng kilig.

Ngiti na kailanman, hindi ko mararanasan.

Iniisip ko tuloy kung lalayo ako.

Ano kayang magiging reaksyon mo sa pag-iwas ko sa'yo?

Mamimiss mo kaya ako?

Magtaka ka kaya?

Ha, asa pa ako.

E sa t'wing magkachat nga tayo, siya lagi ang bukambibig mo.

Hindi ko makakalimutan no'ng sabihin mo sa'kin na siya lang lahat para sa'yo.

Siya na 'yong huli mo.

Siya lang lagi nasa isip mo.

Siya lang 'yong gusto mo.

'Yong gusto mong makasama.

E ako? Ako mahal, ano ako para sa'yo?

"Ikaw 'yong pinakadabest, bestfriend sa buong mundo! I love you seb!"

Right. Bestfriend.

Bestfriend mo lang ako.

Bestfriend lang tayo.

Hanggang do'n lang.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon