Tatlo

376 28 0
                                    

Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala lahat.

Hapon, nasa klase tayo.

Tandang-tanda ko, umiiyak ako no'n.

Malay ko ba sa sarili ko kung ba't ako naiyak. Basta naramdaman ko nalang bigla na parang may kung anong masakit sa puso ko.

Ah alam ko na.

'Yon 'yong mga panahon na nalaman kong nagkakamabutihan na 'yong tropa mo na crush ko sa ibang babae.

Ewan ko ba kung paano mo nahalata na nasasaktan ako.

E nakangiti naman ako no'ng oras na 'yon.

Pero ikaw.

Oo ikaw na naman.

Nilapitan mo 'ko, tinanong kung okay lang ako.

Nakakapagtaka nga e.

Kasi sa lahat ng tao sa klase, ikaw lang ang nakapansin.

Tinanong mo ako kung okay lang ba ako, tanging tango lang ang sagot ko.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko.

Sunud-sunod, ayaw nila papigil.

Nagkunwari pa nga akong kumuha ng libro, para lang sabihin na naiiyak ako sa binabasa ko.

Pero sino bang niloko ko?

Ikaw pa ba?

Hindi ka man nagsasalita no'ng mga oras na 'yon, ramdam ko ang pag-aalala mo sa'kin.

Wala kang ginawa kung hindi tignan lang ako ng maigi.

Tahimik, walang nagsasalita.

Hinayaan mo lang akong ilabas lahat ng sakit.

Hanggang sa nginitian kita, kahit alam mong pilit lang 'yon.

"Salamat," mahina kong bulong, sapat na para marinig mo.

Nginitian mo din ako. Ewan ko, pero bigla akong napatulala.

Tumigil ang oras, ang pagtakbo ng mundo. Tanging mukha mo lang ang nakikita ko.

Shet, anong nangyayari sa'kin?

Kasalanan mo 'to e.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon