Lima

231 25 0
                                        

Ang galing ng tadhana.

Alam niya kung paano paglaruan ang puso kong patay na patay sa'yo.

Alam niya kung paano ako papakiligin at sasaktan pagkatapos.

Grade eight na tayong dalawa no'n, pansamantalang naging mag-partner tayo sa Cariñosa.

Inaasar na tayo ng lahat, nagkakantsawan sila.

Pero wala lang sa'yo 'yon. Nakangiti ka lang na parang normal lang ang lahat.

Kung sabagay, ako lang naman ang nagbibigay ng kahulugan sa mga ginagawa mo e.

Sa pasimpleng pag-akbay mo sa'kin na nagpapanginig ng tuhod ko.

Sa pag-alalay mo sa'kin 'pag nahihirapan ako, lalo na no'ng nagkaroon ng swimming 'yong batch natin.

Sa pag-aalala mo lagi sa'kin.

Sa pagtatanong kung kamusta na ba ako.

Sa pagsasabi na miss mo na ako.

At kung minsan pa nga, nasasabihan mo pa ako ng i love you e.

Gusto kong suklian ng i love you too 'yong sinabi mo sa'kin mahal.

Kaso naisip ko, hindi pala gaya ng pagmamahal ko 'yong pinupunto mo.

Ikaw kasi, mahal mo ako bilang kaibigan.

Samantalang ako, mahal kita higit pa sa kaibigan.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon