Labing Anim

124 23 0
                                    

Mukhang ikaw nga 'yong gusto niya mahal.

Ikaw nga ang lalaking tinutukoy niya.

Ngayon ko lang kasi napansin 'yong kakaibang ngiti niya kapag kasama ka niya.

So, karibal ko nga pala talaga siya.

Bahala na kung anong gustong sabihin ng iba.

Ayaw ko ng magkunwari na okay lang 'yong nangyayari ngayon.

Ayaw ko ng maging pasimuno sa inyong dalawa.

Tatahimik nalang ako.

Hindi ko na susubukin pang maghangad ng higit pa sa kaibigan.

Kasi alam ko namang simula pa lang ay talo na ako.

Kahit kailan naman, hindi ko magagawa e.

Hindi ko magagawang manalo diyan sa puso mo.

Kaya susuko na ako.

Magiging kuntento nalang ako.

Sige mahal.

Susuportahan ko nalang kung saan ka masaya.

Kasi gano'n naman talaga 'pag nagmamahal 'di ba?

Handa kang masaktan sa ikakasaya niya.

Kaya mahal, pinapalaya na kita.

Alam kong wala akong karapatan para sabihin 'to sayo, pero pinapalaya na kita sa buong pagkatao ko.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para kalimutan ang nararamdaman ko sa'yo.

Ilang buwan na lang din naman, ga-graduate na ako. Ga-graduate na tayo.

Makakaalis na ako sa paaralang ito.

Makakatakas sa mga ala-alang ang paaralang ito ang naging saksi sa pagmamahal ko sa'yo.

Pagmamahal na kailanman, hindi mo marararamdaman.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon