Dalawampu't Apat

134 23 0
                                    

Pasensya na mahal kung ganito ako.

Pasensya kung sa mga simpleng salita mo lang, nasasaktan na ako.

Pasensya kung ginagawa kong seryoso 'yong mga bagay na biruan lang.

Pasensya kung ang bilis kong magtampo.

Pasensya kung naartehan ka na sa ugali kong 'to.

Pasensya kung ang praning praning ko.

Pasensya kung minsan, nasasabihan kita ng masasakit na salita.

Pasensya kung may mga bagay na 'di tayo pinagkakasunduan.

Pasensya kung ang layo ng distansya natin sa isa't isa.

Pasensya kung minsan, nakakaabala na yata ako sa'yo.

Pasensya kung minsan, 'di ko kayang unawain ang sitwasyon.

Na kung puro pangsariling kagustuhan ko lang 'yong iniisip ko.

Pasensya sa lahat.

Pasensya sa lahat, mahal.

Pero ang hiling ko lang.

Sana sa kabila ng lahat ng 'yan, manatili ka pa din sa tabi ko.

Manatili ang pagmamahal mo sana sa'kin.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon