Labing Walo

122 21 0
                                    

Kaarawan ng nanay mo no'ng araw na 'yon pero ang nakakapagtaka ay hinintay mo pa din ako.

Cleaners ako that time, aminado naman akong mabagal nga ako kumilos.

Pero kahit gano'n, nagawa mo pa din akong hintayin.

"Tara?" banggit mo. Tumango na lamang ako dahil sabi mo nga, gusto mo akong makausap.

Hindi ko din alam kung ano ba ang gusto mong pag-usapan nating dalawa.

Dahil sa totoo lang, hindi naman talaga tayo close sa personal.

Kasi hanggang chat lang naman ang nagagawa ko sa'yo.

Hanggang chat lang naman tayo.

Naglakad tayong dalawa, magkasabay na naglalakad sa gitna ng malakas na hampas ng hangin.

Sa sobrang lakas nga ng hangin, hinihiling ko nalang na matangay ang mga taong nagbubulungan tungkol sa atin.

Pero wala na akong pakealam.

Napag-isip isip ko na baka ito na ang tamang oras para umamin sa'yo.

Hindi ako aamin dahil sa gusto kong gustuhin mo din ako.

Aamin ako para sa ikakabuti ko.

Aamin ako para tuluyan ng kumawala sa pagkatao ko ang lahat ng tungkol sa'yo.

Kahit nakakahiya man kasi babae ako.

Nakaupo na tayong dalawa.

Magkatabi at tahimik lang.

Akala ko mapapanis na ang laway ko no'ng mga oras na 'yon, salamat naman sa diyos dahil ikaw na ang naunang magsalita.

"Paano kung ano.."

"Ano?"

"Paano kung sabihin kong... Shit, ang hirap naman nito."

"Anong sasabihin?"

"Wala, hahahahaha!"

"Lah, parang baliw 'to hahahaha!"

"Di seryoso. Paano kung sabihin kong gusto kita? Paano kung ligawan kita?"

Para akong nabingi no'ng mga oras na 'yon.

Para akong nananaginip.

Kasi parang impossible ang lahat.

Impossible na magustuhan mo ang isang tulad ko.

Maniniwala ba ako?

O baka pinagtitripan lang ako nito?

"Ako?"

"Oo ikaw."

"Joke ba 'yon? Hahahaha!"

"Seryoso ako. Gusto kita."

"Baka infatuation lang 'yan. Atsaka, bata pa tayo. Kapag college na siguro tapos ganyan pa din ang nararamdaman mo, baka pwede na."

Sinungaling.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

Pero kasi..

Paano kung pinagtitripan niya lang ako 'di ba?

Paano si Zia na chilhood sweetheart niya?

Tsaka, iniisip ko din ang mararamdaman ng bestfriend kong babae na may gusto din sa kanya.

Ano bang mas matimbang?

Ano bang mas mahalaga?

Sino ba ang pipiliin ko?

Ano bang susundin ko?

Ewan, hindi ko na din alam.

Naguguluhan na din kasi ako.

Hays, hirap.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon