Nanaginip ako mahal.
Tangan ka na daw ng ibang tao.
Naging masaya ka daw sa piling niya.
'Yong mga bagay na pagkakaparehas, sa kanya mo daw natagpuan.
Dahil do'n, napadalas 'yong oras na nilalaan niyo sa isa't isa.
'Yong tipong nawawalan ka na ng oras sa'kin.
'Yong tipong puro ako nalang 'yong naghahabol.
'Yong tipong, ako nalang 'yong nagmamahal sa'ting dalawa.
Nagising ako.
Sobra akong nahirapang huminga.
Hanggang sa namalayan ko nalang 'yong pagpatak ng luha sa mata ko.
Hindi ko alam ba't ganon mahal.
Alam kong panaginip lang 'yon, pero 'di ko maiwasan na masaktan.
Hindi ko lang kasi maiwasan na isipin, paano kung mangyari sa'tin 'yong gaya sa panaginip ko?
Hindi ko kaya.
Ayaw kong maranasan 'yon.
Ayaw ko talaga.
BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (COMPLETED)
PoesiaDamdaming ikinubli sa pamamagitan ng tula gamit ang kulay pulang pluma.