Dalawa

694 39 0
                                    

Mahal, naalala mo pa ba?

'Yong unang araw kung pa'no tayo naging magka-tropa?

Kasi ako, sobrang sariwa pa sa isipan ko.

Saulong-saulo ko pa din kung paano mo ako kinausap.

Hindi ko pa din malimutan kung paano ka nanghiram ng ballpen sa'kin.

Isang buwan na din sa'yo 'yon.

Isama mo pa 'tong puso kong kinuha mo na din.

Kung sabagay, ba't ngayon ko lang napansin ang bagay na 'yon?

Ah, alam ko na.

Wala pa kasi sa'yo ang atensyon ko no'n.

Sa isang tropa mo pa ako adik na adik no'n.

Kaya nga naging close tayo dahil sa kanya 'di ba?

Ikaw pa nga mahal ang tumutulong sa'kin para mapalapit kami ng tropa mo.

Ikaw pa nga ang numero uno kong fan pagdating sa kanya.

Ikaw 'yong lagi kong tagakalap ng impormasyon na kailangan ko.

Ikaw.

Oo ikaw.

Ikaw 'yong huling taong aakalain kong mamahalin ko.

Akala ko siya na e.

Pero mali pala ako.

Dahil sa tinagal-tagal na pagkagusto ko sa tropa mo,

Sa'yo pa din pala ang bagsak ko.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon