Labing Lima

127 24 0
                                    

Isang araw, tinanong ko siya.

"Bes, may nagustuhan ka na bang lalaki sa tanang ng buhay mo?"

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya, kahit nakangiti lang din siya sa'kin no'ng mga oras na 'yon.

"Oo naman. Dati simpleng asaran lang, pero 'di ko alam unti-unti na din akong nagkagusto sa kanya."

Napahinto ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Posible bang ikaw 'yon mahal?

Posible bang ikaw 'yong tinutukoy niya?

Sana naman hindi.

Dahil ayaw ko maging karibal ang isang matalik na kaibigan sa'yo balang araw.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon