Apat

295 24 0
                                    

Nasabi ko na ba sa'yo na ang gwapo-gwapo mo kapag nakangiti?

Nasabi ko na ba sa'yo na parang musika sa tenga ko kapag naririnig ko ang boses at mga halakhak mo?

Oo, inaamin ko na.

Nahulog na ako sa'yo.

Pero hindi naman 'yon pwede kasi nga, kaibigan tayo 'di ba?

Kaya heto, pinigilan ko 'tong feelings ko sa'yo.

Nagkunwari akong sa tropa mo pa din ako may gusto kahit na ang totoo, ikaw ang nilalaman ng puso ko.

Wala e, naduduwag ako.

Ayaw kong sabihin sa'yo.

Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nararamdaman kong 'to.

Kaya kahit mahirap, pinigilan ko.

Kasi mahal kita. Itatak mo pa sa pula kong pluma.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon