Dalawampu't Walo (Special Chapter)

86 3 0
                                    

Ang sabi ko 'di ba, hanggang dito nalang?

Pero bakit nandito na naman ako?

Sumusulat na naman ako ng isang tula.

Ilang taon na ba ang lumipas simula ng huli kitang sulatan?

Dalawang taon na din pala.

Nais kong magkwento sa'yo.

Alam mo namang ikaw lang ang kaya kong pagkatiwalaan simula nang nangyari sa'min ni Raymond.

Sino ba namang mag-aakala na mararanasan ko pa pala maging masaya?

Dahil nawala man siya, nahanap ko naman ang sarili ko.

Ganito pala dapat 'yon.

Gano'n dapat.

'Wag nating iasa sa iba ang sarili nating kasiyahan.

Na bago tayo magmahal ng iba, piliin muna natin ang sarili natin.

Nakakatuwa dahil madami akong natutunan sa kwentong ito, kasama ka.

At sa wakas, masasabi ko na ring..

Talagang tanggap ko na.

Pinapatawad na kita.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon