Isa na yata sa talent ko ang titigan ka ng matagal.
Kahit habambuhay na yata ako tumitig sa'yo, yakang-yaka kong gawin e.
Ang ganda ng mata mo.
Sa t'wing tinitignan ko sila, hindi ko maiwasang mabighani sa ganda nila.
Nakakatunaw ang mga ngiti mo.
Lalo na kapag tumatawa ka. Simpleng mga bagay, pero sobra-sobra itong nagpapabilis sa tibok ng puso ko.
Ang bilis lang ng panahon, 'di ko na namalayan.
Halos isang taon na pala akong umiibig ng palihim sa'yo.
Grade nine na tayong dalawa, pero wala ka pa ding kaalam-alam na mahal kita.
Grade nine na tayong dalawa, pero ang tanging alam mo lang ay humaling na humaling pa din ako sa tropa mo.
Grade nine na tayong dalawa, pero hanggang magkaibigan pa din tayo.
Pero hayaan na, kesa naman sa wala.
Atlis, kampante ako na ako pa lang ang babae na nakapasok sa buhay mo.
Kahit bilang kaibigan lang.
BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (COMPLETED)
شِعرDamdaming ikinubli sa pamamagitan ng tula gamit ang kulay pulang pluma.