Labing Pito

130 20 0
                                    

Hindi na ako ang kumukulit sa'yo.

Hindi na din kita chinachat gaya ng nakasanayan kong gawin.

Naging busy ako sa mga bagay-bagay, matuon lamang sa iba ang atensyon ko.

Pero bakit ka ganyan mahal?

Bakit mo 'ko pinapahirapan ng ganito?

Kinakalimutan na nga kita, pero siya naman 'tong pagkulit mo sa'kin.

Nagpapatulong ka ng mga assignments mo sa'kin kahit alam mo naman talaga.

Una ka ng nagchachat kahit wala ka namang kailangan sa'kin.

Tinatanong kung kamusta na ba ako?

Kumain na ba ako?

Kung minsan, ginu-goodnight at ginu-goodmorning mo 'ko.

At ang matindi, naga i love you ka sa'ken kahit wala namang tayo.

Nagsisimula ka na din mag-alala sa'ken.

Pansin ko din ang mga banat mo na ngayon ko lang naman naranasan.

May mga paligoy ligoy ka pa na paano 'pag may gusto ka sa'kin, na kung ano ba 'yong mararamdaman ko?

Paano kita magagawang kalimutan niyan kung patuloy mo akong pinapaasa?

Alam mo namang konting lambing mo lang, aasa na agad ako 'di ba?

Pero, hindi.

Ayaw ko na umasa.

Alam ko naman kasing masasaktan na naman ako e.

At sa huli, 'yong puso ko na naman ang maiiwan na wasak at sugatan.

Pulang Pluma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon