Wan

37 1 0
                                    

JET's POV

"Tumayo ka na jan."

Mabilis na tinalukbungan ko ng kumot ang ulo ko at hindi pinansin ang kanina pang makukulit na nilalang dito sa loob ng kuwarto ko.

"Haaaaay.. Hindi na namin alam ang gagawin sa'yo.." Rinig kong sabi ni Rydel.

"Tumayo ka na jan at may pasok tayo!" Hindi malakas pero pasigaw na ani Dave.

"Hindi ako papasok.." Walang ganang sabi ko at narinig ko agad ang mga pag-alma nila.

"Don't be like this, Jet. 'Wag mong idamay ang pag-aaral mo.." I heard the very nice guy said it. Tss. He's always like that. Like he doesn't know how to do mistakes. That's my younger brother Ken. But he didn't dare to call me Kuya. Tss.

"Jet, hindi mo sure kung siya ba talaga ang nakita mo kahapon! Gaya nang sinabi mo, hindi ka niya pinansin! Paano kung hindi naman talaga siya 'yun?!" Rydel exclaimed. And by that, my blood totally woke up.

Umupo ako ng biglaan at sinamaan siya ng tingin. Pero parang wala lang sa kaniya.

Nakatayo silang apat sa tapat ng kama ko. Si Mackee, ayun nakatingin lang sa'kin ng walang emosyon. Well, that's his normal. Kaya ko yatang bilangin ang lahat ng salitang sinabi niya simula nung nagkakilala kami. Psh.

"Bakit ba ang kukulit niyo?!"

"Dahil kung hahayaan ka namin, sisirain mo lang ulit ang buhay mo, Jet." Sagot sa akin ni Ken.

"Tsk! Sige na lumabas na kayo! Magpe-prepare na ko!" Inis na sabi ko at padabog na bumaba ng kama ko.

"Hay salamat nakinig rin sa wakas!" Naiiling na sabi ni Dave. Sabay-sabay na lumabas sila ng kwarto ko. Dumeretso naman na ako ng CR para maligo.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Rydel na baka hindi naman talaga siya ang nakita ko.

'Siguradong-sigurado ako. Kitang-kita ng mga mata ko. Siya 'yon. At kahit ano pang sabihin niyo, wala akong magawa kung hindi ang manghina.'

••

ALISHA's POV

"Good morning po Madam!" Masayang bati ko kay Madam Petar pagdating ko sa harap ng school. Nakaabang na siya doon kasama ang asawa niya. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong nag-bow sa kanilang dalawa. "Pasensya na po at na-late ako.. Ang hirap po kasing mamili ng mga dadalhin ko."

"It's okay, Alisha. By the way, thank you for accepting the offer. The whole school is very proud of you." Madam Petar said all smiles.

"No problem, Madam! Hello po Sir!" Bati ko naman sa nakangiting asawa ni Madam sa tabi niya.

"Hello, ija. No doubt bakit paborito ka nitong asawa ko.. Maganda ka't matalino." Nakangiti ring aniya at napatawa naman kami ni Madam.

"Salamat po Sir! Hindi ko na po idedeny kasi aminado naman po ako! Haha char lang!" Masayang sabi ko at napatawa silang pareho.

"Ikaw talagang bata ka.. O pano? Tara na at baka ma-late ka."

"Sige po, Madam.." At sumakay na kami sa kotse nina Madam. Ang asawa niya ang nagda-drive.

"Bagay sa'yo ang bago mong uniform, Alisha.." Madam said.

"Haha! Salamat po, Madam. Muntik pa nga pong yung uniform ng school natin ang maisuot ko. Haha!"

"Ikaw talagang bata ka.. Nakapagpaalam ka ba ng maayos sa parents mo?"

"Opo, Madam. Una nga po ang sabi nila mag-uwian na lang po ako. Pero narealize din po nila kung gaano kalayo mula sa bahay namin ang bagong school na papasukan ko! Haha! Kaya pinayagan na po nila ako na mag condo unit."

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon