ALISHA's POV
"Ayaw mong ngayong gabi na lang?"
"Naku, Alisha.. Bukas na lang talaga.. Marami akong gagawin ngayon e."
"Ganun ba.. S-Sige pala.."
"Hm.. Pasensya na talaga, ah? Gustong-gusto kong pumunta jan pero hindi talaga pwede ngayon e. Bukas promise jan ako matutulog."
"Hm, sige."
"Tsaka mas mabuti kung makakapag-usap na muna kayo ni Weizam. Paniguradong namiss ka masyado no'n. Ayokong maudlot ang mga sasabihin niya dahil nandun ako. Enjoy kayong dalawa.."
"Hm, sige. Salamat."
"Sige. Pano? Ba-bye na at may pinapagawa pa si Mom sa'kin. Bye Alisha! Kitakits bukas!"
"Bye, kitakits." Sabi ko at ibinaba na ang tawag. Tumingin ako sa screen ng cellphone ko upang makita kung anong oras na.
'7:44'
"Ang tagal namang dumating ng lalaking 'yon??" Kunot-noong tanong ko. Kaya naman, napagdesisyunan kong hintayin na lang siya sa labas ng condo unit.
Pinili kong umupo na lang muna sa bench sa gilid ng pinto ng unit na tinutuluyan ko. Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Weizam. Pero tatlong minuto na ang nakakaraan, wala pa rin siyang reply.
"Tsk. Tutuloy kaya 'yon?" Tanong ko na nilinga-linga ang dulo ng corridor dahil baka sakaling biglang sumulpot siya ro'n.
Nagulat talaga ako kanina nang makit ko siya sa school. Ang alam ko kasi ay nasa Germany siya at doon nagtuturo. Isang linggo na rin kasi mula noong huling usap namin kaya hindi ko nalaman na uuwi pala siya rito sa Pilipinas.
Mabilis na yabag ng paa ang narinig ko kaya naman napalingon ako sa dulo ng corridor. At doon, biglang sumulpot ang tumatakbong si Weizam na animong talagang madaling-madali. Napatayo ako at nang makita niya ako ay tumigil siya sa pagtakbo at parang nakahinga siya ng maluwag. Hinintay kong makalapit siya sa akin.
"Hu!" Napatukod pa siya sa magkabila niyang tuhod dahil sa pagod habang habul-habol ang kaniyang hininga.
"Ang gabi naman masyado ng bisita mo.." Bungad ko. Napapikit siya ng mariin at pinilit na makatayo ng maayos.
"P-Pasensya na.. Pumunta pa kasi ako sa super market para bumili ng groceries mo." Hinihingal pa ring sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.
"Wooooow! Iba ka, Weizam! Haha! 'Yan ba ang natutunan mo sa Germany??! Sa kuripot mong 'yan binilhan mo ko ng grocer---"
"Shut up." Halatang inis na putol niya sa akin. Tinawanan ko lang siya. "Hindi na lang mag-thank you." Nakangusong bulong niya na inismiran pa ako, pero narinig ko. Lalo akong natawa kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
"E nasan na? Wala ka namang dala! Pa'no ako magte-thank you?!" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Just wait, okay?! Pinadala ko lahat kay Xen!" Sigaw niya.
"Oh?! Kasama mo si Xen?? At pinadala mo lahat?? 'Di mo man lang tinulungan?!"
"Hoy! Hoy! Anong 'di ko tinulungan?! Kaninang papunta rito hindi niya rin ako tinulungan! Ipapasok niya na nga lang rito ang trabaho niya!"
"Tsk. Tsk. Oo na! Haha! Kagalit neto.. Ang tagal niya naman??"
"E lampa 'yong isang 'yon. Masyadong mabagal kumilos."
"Haha! Wala pa rin palang pinagbago. Buti isinama mo siya?"
"E gusto ka rin daw makita. Namiss ka na raw."

BINABASA MO ANG
AGAIN [On Going]
RomanceHISTORY REPEATS ITSELF. But this time, With different PERSON, With different PLACE, With different SCENARIO, And with different FEELINGS. This story will show you the real meaning of LOVE. ❤ ~~~ "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat.. H...