KEN's POV
"Pumunta kayo dito sa unit ko.. Kailangan kong magkwento sa inyo ng lahat ng nalaman ko about kay Alisha." When my brother Jet said it's all about Alisha, I immediately said yes and then drop the call.
Don't get me wrong. We, Mackee's bestfriends are just very eager to know Alisha better so that we can know what's the issue between Mackee and her. Actually, when Alisha came, we feel that we don't know who really are Mackee so that we're really doing our best to get information from Alisha because we know we can't get from Mackee.
We just want to help our friend.
Agad na bumaba ako ng kwarto para pumunta na sa unit ni Jet.
"Oh, ijo, Ken.. Mukhang may lakad ka.. Kakarating mo lang ah." Sabi ni Manang habang pababa ako ng hagdan. Kararating ko lang kasi galing sa burial ng ate ni Diara.
Sinusuklay ni Manang ang buhok ng nanunuod na si Sofia. Hindi matinag ang mata nito sa TV.
"I'm going to Jet's unit, Manang."
"Aba'y anong oras na, ijo.. Ano pang gagawin niyo roon? May pasok kayo bukas."
"Don't worry, Manang. May importante lang po kaming pag-uusapan na magkakaibigan."
"Ah, ganun ba? O sya.. Mag-iingat ka." Hinalikan ko sa noo si Manang Pel at saka ako bumaling kay Sofia. Pero ilalapit ko palang ang mukha ko sa kaniya para halikan sa pisngi ay naiharang niya na ang kaniyang kamay at saka ako sinamaan ng tingin. Napabuntong-hininga nalang ako pagkatapos ay ibinalik niya nang muli ang kaniyang tingin sa TV.
These past few days, she's becoming too sensitive dahil kahit ako, hindi niya na kinakausap. Si Manang na lang talaga ang kinakausap niya. Kaya sa tingin ko, pati si Jet mahihirapan na rin sa kaniya sakaling kausapin siya bukas sa dinner ng pamilya namin. Yeah. PAMILYA, even though I don't consider it as one.
"Bye Manang. Alis na po ako.."
"Sige mag-iingat ka, ijo. Pakikumusta mo ako sa mga kaibigan niyo lalo na kay Jet."
"I will, Manang. Bye Sof.." Pero hindi niya talaga ako pinansin napanguso nalang ako at saka tuluyan nang pumunta sa unit ni Jet.
Isa pang problema ko ay ang dinner na 'yon bukas ng gabi.
'Sana lang it will go smooth and good.'
Sa tuwing magkakasama kasi kaming pamilya, hindi maaaring walang bangayan at sumbatan na magaganap. Lalo na si Jet, malaki ang galit niya kina Mom and Dad to the point na hindi niya na sila itinuturing as his parents. Ako? Malapit pa lang. May limitasyon din kasi ang kabaitan ko.
*Rinnnnnng! Rinnnnnng! Rinnnnnng!*
Agad ko namang nilagay ang earphone sa kanang tenga ko at saka ko sinagot ang tawag.
"Hm?" Sagot ko.
"Ken, bro?! Sa'n ka na??" Tila ba tarantang tanong ni Dave kaya naman kinabahan ako.
"Bakit??"
"K-Ken! S-Si Carla! Si Carla, bro! N-Nakita ko siya! Nakita ko siya!" Tense na sabi niya at napaayos naman ako ng upo.
"H-H'wag mong hayaang makaalis siya! Nasan ka??"
"Luxu Caffe."
"Sige. Hintayin mo ko diyan!" Agad ko nang pinatay ang tawag at saka ko ipinaharurot ang sasakyan. Mabuti na lamang at walang masyadong mga sasakyan dahil gabing-gabi na.
BINABASA MO ANG
AGAIN [On Going]
RomanceHISTORY REPEATS ITSELF. But this time, With different PERSON, With different PLACE, With different SCENARIO, And with different FEELINGS. This story will show you the real meaning of LOVE. ❤ ~~~ "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat.. H...