ALISHA's POV
Natapos ang pang-umagang klase at hindi na pumasok pa si Diara. Malamang na kasama niya pa rin si Ken ngayon. At sana lang okay na siya.
"Oh ano balak mo na bang i-chika sa'kin girl?? Kaibigan din ako ni Diara!" Maarteng sabi ni Michael pagkasukbit niya palang ng bag niya. Napabuntong-hininga na lang ako at sa tingin ko'y kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya.
"Let's go sa cantee---"
"Sabihin mo na kasi, Leti!"
"Sasabihin ko habang naglalakad tayo pababa." Walang ganang sabi ko naman na nauna nang maglakad palabas ng room. Pero napahinto ako nang may kung sinong nakipag-unahan pa sa akin sa paglabas ng pinto. Medyo nasanggi pa ang balikat ko dahil sa pakikipag-unahan niya sa paglabas.
Pero nang makita kung sino iyon, imbis na mainis ay nakaramdam ako ng kung anong kiliti sa aking dibdib. Naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mga pisngi. Yes nagpatuloy siya sa paglakad palayo kahit na alam kong naramdaman niya ring nasanggi niya ako. Pero iba ang epekto sa akin. Napabilis ang tibok ng puso ko.
'What is this weird feelings you're giving me, Vandel?!'
"Oh, girl?! Balak mo bang tumayo jan maghapon?!" Natauhan lang ako nang sumigaw si Michael mula sa likuran ko. Medyo napatalon pa ako sa gulat at bigla'y nilingon siya.
"A-Ah.. T-Tara.." Utal na sambit ko at kita kong nagtaka siya sa iniasal ko. Pero hindi ko na pinansin pa iyon at naglakad nang muli. Naramdaman ko namang agad ang pagsunod niya.
"So where is Diara?" Tanong niya agad.
"Hindi ko alam.." Simpleng sagot ko.
"W-What??"
"Hindi ko alam! As in hindi ko alam! Dahil magkasama tayo sa klase kanina malay ko ba kung san na sila pumunta!"
"Sakit mo sa ulo girl! At tsaka teka.. Sila?? Bakit sila??"
"Ah, yeah. Kanina kasi tinawagan ko siya dahil wala na kayo sa canteen no'ng pumunta ako do'n. Napansin kong parang may tinataguan siya base sa volume ng boses niya. Kaya tinanong ko siya. Pero iyak lang ang isinagot niya sa'kin. No'ng sinabi niyang nasa pool area siya, ora mismo tumakbo ako papunta ro'n. Pero nung dumating ako don, huli na 'ko.. Nauna na si Ken sa'kin. Naabutan kong yakap ni Ken si Diara habang umiiyak siya sa balikat ni Ken. Hindi na 'ko sumingit dahil ayokong istorbohin ang scene nila.."
"What?! At anong ginagawa niya dun sa pool area?! And ibig sabihin pinaiyak ni Ken si Diara?!!"
"Shunga!"
"Aray ko naman Leti maka-shunga ka! Hindi ba pwedeng maganda lang?"
"Hindi."
"O ede hindi! Kaloka 'to!"
"Oh, yun nga.. Malamang na pumunta dun si Diara dahil may sinundan siya.. Naabutan ko kasing may naghahalikan dun sa pool e." Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nilapastangan nila ang dignidad ng pool. Tsk.
"Gosh!" Nagulat ako nang sumigaw siyang bigla at tumigil sa pagbaba ng hagdan.
"A-Ano ba?! Nakakagulat ka naman e!"
"S-Sorry naman nadala lang ng emosyon. Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon ha Leti?!" Inis na bulalas niya at inismiran ko lang siya. "Siguradong si Ian na naman 'yon!" Nakuha ni Michael ang atensyon ko nang sabihin niya iyon. Binigyan ko siya ng 'what-do-you-mean look'. "Ian is her ultimate love interest, Leti. And guess what?? palagi niyang nakikitang nakikipaghalikan sa iba't ibang babae ang lalaking 'yon, and the same ng bilang ng lahat ng nakahalikan niya ang bilang ng beses na iniyakan siya ni Diara! Yung babae naman kasing 'yon hindi na nadala e!" Halatang iritadong sambit niya. Bigla ay nakaramdam ako ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
AGAIN [On Going]
RomanceHISTORY REPEATS ITSELF. But this time, With different PERSON, With different PLACE, With different SCENARIO, And with different FEELINGS. This story will show you the real meaning of LOVE. ❤ ~~~ "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat.. H...