Siks

17 2 0
                                    

JET's POV

"Sinong sunod na klase natin?" Tanong ko. Napatingin naman silang apat sa akin.

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin kabisado ang sched?" Kunot-noong tanong ng kapatid ko sa'kin. Napakamot nalang ako sa batok ko. "Napapala ng mga hindi nagseseryoso sa pag-aaral." Seryosong aniya pa na animong siya ang kuya sa aming dalawa.

"Bwahahahahahaha!" Malakas na tawa nina Rydel at Dave. Agad na sinamaan ko sila ng tingin pero parang wala lang sa kanila.

'Mga bwisit!'

"Ang bopols mo talaga, Jet! Bwahahahaha!" Nakahawak pa sa tiyan'g ani Rydel. Nakita ko namang nagpunas ng luha si Dave sa kakatawa sa'kin.

"Wala ka talaga kay Ken, Jet! Bwahahahahaha! Ayusin mo na kasi ang buhay mo!" Pang-aasar naman ni Dave sa akin. Inis na inismiran ko silang dalawa.

"Kayong dalawa, anong susunod na klase natin??" Seryosong baling ni Ken sa kanila. Bigla ay natigil sila sa pagtawa at natahimik. Nagkatinginan pa silang dalawa pagkatapos ay tumingin-tingin sa kung saan na para bang wala silang narinig. "Wala kayong pinagkaiba kay Jet." Hindi galit ngunit may bahid ng kaseryosohang ani Ken. Napangisi ako.

'Akala niyo ha!'

"Kakapanganak lang ni Madam Gina. Kaya bago ang teacher sa susunod nating klase." Sagot ni Ken.

"Tsk! Akala ko pa naman vacant na natin palagi sa subject ni Madam Gina! Tsk! Sayang!" Hinayang na hinayang na sabi ni Dave.

"Well, sorry to say that your expectations didn't turn into reality." Ngising sabi ni Ken na bumaling na sa harap.

Nakakatamad. Swear. Isang klase na lang at uwian na pero feeling ko ay limang oras pa ang hihintayin ko. Gustong-gusto ko nang umuwi at matulog. Naiirita na rin kasi ako sa mga babae naming kaklase na kanina pa tingin ng tingin sa amin at parang mga uod na sinabuyan ng asin sa sobrang kilig. Naiinis rin akong marinig ang malalakas na bulungan nila. Buti na nga lang at hindi sila nagtatangkang lumapit sa amin. Dahil kapag nagkataon, gumawa sila ng sarili nilang ikapapahiya.

Nagkuwentuhan nalang muna kami habang hinihintay ang bagong teacher na sinasabi ni Ken, syempre maliban dun sa isa na panay pakinig lang.

'May bago ba? Psh.'

Natinag lang kami nang biglang tumahimik ang mga kaklase namin. Kaya naman natigil kami sa pag-uusap at napatuon sa lalaking may dalang tatlong libro sa kaniyang kaliwang kamay na nakabagsak lang sa tagiliran niya.

'Siya na siguro yung kapalit.'

Napaayos kami ng upo at doon ko pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

Kung ako ang tatanungin, mga nasa around 20-25 years old siya. Mukha rin siyang seryoso at strict. Matangkad at katamtaman ang kulay. Hindi masyadong matipuno pero hindi rin payat, tama lang. At base sa awra niya, mukhang matalino talaga siya.

"Good morning." Lalaking-lalaki ang boses niya nang bumati. Ni hindi siya ngumiti. Gaya ng inaasahan, naroon na naman ang mga impit na kilig ng mga babae naming kaklase at halata naman ang iritasyon sa mga mukha ng mga lalaki, kasama na kami.

'Malamang dahil lalaki rin kami!'

-_-

'E sino bang may sabing hindi?! Sinooooooo?! Dalin niyo dito at sasampolan kooo!!!!'

>_<

'Tss.. OA lang bat ba?!! Palag??!'

"I'm Mrs. Arigina Castro-Manuel's sub-teacher. For the mean time, I'll be your Oral Communication Teacher." Seryoso pang sabi niya. "I'll never request all of you to do the orientation whatsoever. That's a waste of time. I think I can know each of you while I'm teaching."

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon