For

19 1 0
                                    

JET's POV

"Nagugutom na 'ko.." Himas ang tiyan na ungot ni Dave.

"Para namang ginutom ka sa mga lessons.. E natulog ka lang naman." Mayabang na sabi ni Rydel. Agad na sumama ang mukha ni Dave.

"Nagsalita ang nakikinig.." Busangot na sagot ni Dave.

"At least hindi ako gutom." Mapang-asar na sambit ni Rydel. Hindi na lang siya pinansin ni Dave. Napatingin ako sa dalawang kaharap namin. Matamlay na nakatingin sila sa sahig. Si Diara ay pinaglalaruan ang mga daliri niya samantalang iniuuntog naman ng ulit-ulit ni Mica ang ulo niya sa pader sa likod niya.

"Diara, you can eat now if you want. Kami na lang ang maghihintay kina Alisha at Mackee." My brother Ken said. Napangisi akong bigla.

'The moves.'

Agad na umiling ang dalaga.

"Hindi, hihintayin ko si Alisha. Kung sakali mang ma-approve ang complaint niya, ito na panigurado ang huling beses na makasabay ko siyang mag-lunch.." Paiyak nang sagot niya. Napabuntong-hininga na lang si Ken habang nakatingin kay Diara.

"Sige ganiyan! Ako hindi inalok ng kain! Alukin niyo rin ako at talagang pupunta ako ng canteen para kumain! Gutom na gutom na ang tummy kooo!" Maarteng ani Mica.

"No Mica! Sabay-sabay tayo nina Alisha na kakain!" Pigil ni Diara sa kaniya at bagsak ang balikat na napasandal na lang siya sa pader. Pagkatapos no'n ay wala nang nagsalita pa kaya naman nagkaroon na ako ng pagkakataong magsalita.

"Paano kayo nagkakilala ni Alisha?" Tanong ko. Agad na napatingin si Diara sa akin.

"Hm? Unang naging magkaklase kami noong grade 2 kami ni Alisha. Sa Bulacan kami pareho nag-elementary." Sagot niya.

"Ah, see. Kaya pala.."

"Pero nung nag-high school kami, lumipat ng Pangasinan si Alisha kaya hindi na kami nagkita pa pagkalipat nila. Tapos grade 8 naman ako nung lumipat ako dito sa Tagaytay. Halos sa text and tawag na lang kami nagkakausap. Nung graduation ng grade 6 kami huling nagkita.." Dagdag niya pa at kita ang lungkot sa mukha niya. Hindi maiwasang mapansin ko ang titig ng kapatid ko sa dalagang nasa harap namin ngayon.

'Tsk tsk. Inlove na inlove..'

"Sobra akong nalungkot noong malaman kong hindi ko na magiging classmate si Alisha. At mas lalong naging mas malungkot ako nung malaman kong lilipat na rin sila ng bahay.. Siya lang kasi ang naging kaisa-isang kaibigan ko noong mga panahon 'yon." Nangingiti pang sabi niya.

"Bakit? Sa napapansin ko sa'yo, masyado kang friendly'ng tao. How come siya lang ang naging kaibigan mo no'n?" Ken asked. Nakangiting umayos ng upo si Diara bago sumagot.

"Ang totoo niyan, masyado akong introvert noong bata ako. When I enter pre-school, as I remember ayokong makipag-usap sa kaninuman. Until nag-grade 1 ako ganun lagi. Binubully rin ako ng mga classmates ko no'n dahil sa sobrang tahimik ko. But when I reached grade 2, nag-transfer si Alisha sa school namin and guess what? She's the first person who talked to me in school, except of course sa mga teachers ko.." Napapailing na lang siya habang ikinukuwento iyon. "Matagal bago ko siya kinausap dahil ilag talaga ako sa mga tao that time. But Alisha didn't stopped talking to me. Until makulitan na ko sa kaniya so I started having conversation with her. We became friends. Siya rin ang nagtatanggol sa akin kapag may mga nambubully sa akin. At dahil marami siyang kaibigan, marami na rin akong nakakasalamuhang students kapag kasama ko siya. Pero siya lang talaga ang kinakausap ko.." Nakinig lang kami habang nagkukuwento siya. "But what I won't forget of all the things she taught me was about the importance of having good ties between the people around me.." I saw twinkle in her eyes when she said that.

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon