WEIZAM's POV
"Okay I'll be there for about 5 minutes." Sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Papunta ako ngayon sa condo unit ni Alisha para sunduin siya. Kasama ko ngayon si Xen pero hindi ko siya ramdam. Kanina pa siya naglalaro ng walang kwentang game sa phone niya. Saglit na sinulyapan ko siya at napailing na lang ako nang makitang nakakunot pa ang noo niya habang nakatutok roon.
'Seryosong-seryoso ang bwisit.'
-_-
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagda-drive.
Nakarating naman kaming agad sa kinaroroonan ng condo ni Alisha. Ipinark ko na ang kotse ko sa harap para madali kaming makaalis.
"Ako na lang ang susundo sa kaniya sa loob." Sabi ko kay Xen at tango lang ang isinagot niya na hindi man lang ako sinulyapan. "Nonsense addict." Nasabi ko na lang pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan. Pero hindi ko inaasahang pagkapasok ko sa entrance ay may muntik nang bumangga sa akin. Agad na umiwas ako.
Inis na nilingon ko siya na halos magpagewang-gewang at nakapaikit pa habang naglalakad.
'Weird.'
Pero natauhan ako nang maisip na namumukhaan ko siya.
'Saan ko ba siya nakita??'
Pilit kong inisip iyon habang pinanunuod ang sumusuray-suray na lalaki. Humarap siya sa gawi ko dahil binuksan niya ang pinto ng kotse niya.
Doon ko siya medyo matagal na natitigan.
'Oh! He's one of my students!'
At naalala ko pa,
'Isa siya doon sa mga kasama ni Mackee.'
Napailing na lang ako at tumuloy na sa loob dahil baka ma-uppercut na ako ni Alisha.
Pero muling sumagi sa isip ko..
'Iba na talaga ang mga kabataan sa ngayon.. Aga-aga lasing.'
Pero bakit parang hindi naman siya amoy alak noong madaanan niya ako??
'At anong ginagawa ng lalaking 'yon dito ng ganito kaaga??'
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pinilit na kalimutan ang walang kabuluhang pinag-iiisip ko.
"You're late again." Halos malukot ang mukha niya nang sabihin iyon. Saktong kalalabas niya lang ng unit niya. Napakamot na lang ako sa batok ko.
"Well.." 'Yun lang ang nasabi ko pagkatapos ay nakita kong tumingin siya sa relo niya at bumuntong-hininga.
"Let's go." Sabi niya na parang tamad na tamad pagkatapos ay matamlay na naglakad. Nangunot ang noo ko.
'Bakit parang mga lasing at wala sa wisyo ang mga tao rito??'
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kaniya. Tumakbo ako hanggang sa maabutan ko na siya.
"Alisha.."
"Hm?" Wala talagang ganang tanong na hindi man lang ako sinulyapan.
"Anong ginagawa no'ng kaibigan ni Mackee rito? Nakasalubong ko siya kani-kanina lang.." Tanong ko at kita kong natigilan siya. Napahinto siya sa paglakad kaya naman napahinto rin ako.
'What's wrong??'
Napapalunok pa siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang matawa. Pero mahina lang.

BINABASA MO ANG
AGAIN [On Going]
RomanceHISTORY REPEATS ITSELF. But this time, With different PERSON, With different PLACE, With different SCENARIO, And with different FEELINGS. This story will show you the real meaning of LOVE. ❤ ~~~ "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat.. H...