DIARA's POV
Hello! Hihi! It's my first point of view! Well, before I start, I'll introduce myself first.
I'm Lediara Kitt Young, aka Diara! Bestfriend ako ni Alisha since elementary so ilang taon na rin kaming magkaibigan. I'm 19 years old. Yeah. Hindi fit ang age ko for a grade 12 student. But I have my reasons why that thing happened.
As well as Alisha, which is already 20 years old, has also her own reason why she came up being in that age but only a grade 12 student.
I know everything about her. Kahit kasi nagkahiwalay na kami noong junior high school kami, nagtatawagan pa rin kami, skype, video calls and everything na ginagamit to contact someone from afar.
I know every little things about her, even about her keepest secret.
But I don't really know about this issue of her regarding Mackee. She didn't mention any of it to me. And I don't know why she kept on hiding it to me and no plan to tell me even just little bit about it.
And now we're here in the school canteen. Trying to be quiet as much as we can. Trying to watch every movement of these two persons who make our mind blown away. Lahat kami, nakikiramdam. Walang nagsasalita. Walang kumikibo. Panay ang masid namin sa dalawang taong gumugulo sa isip namin na magkaharap ngayon. Pero ni hindi namin nakitang sinulyapan nila kahit minsan ang isa't isa.
Parang kanina lang noong maglakad kami papunta dito sa canteen, magkasabay pa silang maglakad at nakasukbit pa ang kamay ni Alisha sa braso ni Mackee. Pero nang dumating kami, wala na. Parang hindi na nila kilala ang isa't isa. They treat each other as strangers now.
Maging ang nga estudyanteng nakapaligid sa amin ay nasa kanilang dalawa rin ang pansin. Nakita kasi nilang pumasok sila ng magkasama dito with Alisha's hand wrapped on Mackee's arm.
*Kriiiiiiing! Kriiiiiiing! Kriiiiiiing!*
Napabaling kaming lahat sa biglang ring ng cellphone ni Alisha na nakapatong sa table. Nang makita niya kung sino iyon ay agad na napangiti siya ng malaki at nagmadaling sagutin iyon.
"Hello, Ma?" Halata ang excitement sa boses niya. Napangiti ako nang marinig na si Tita ang tumawag sa kaniya. Agad na inilapit ko ang tenga ko malapit sa cellphone.
"Hello po Tita!" Masiglang bati ko at narinig ko naman agad ang mahinang tawa mula sa kabilang linya.
"Si Diara iyon noh?" Tita asked.
"Opo, Ma. Siya po.."
"Sinasabi ko na nga ba't kaboses niya. Siya lang rin naman ang kilala kong malakas ang boses." Pagkatapos sabihin iyon ay nagpakawalang muli ng tawa si Tita. Pati kami ni Alisha ay natawa.
"Tita naman.." Kunwaring nagtatampong sabi ko.
"Ikaw naman hindi ka mabiro.. Pero mabalik tayo sa'yo, Shang. Kumusta ka jan, anak?" Tanong ni Tita. Pero bago sumagot si Alisha ay pasimpleng tiningnan niya muna si Mackee na busy pa rin sa pagkain pagkatapos ay mapait na ngumiti bago sumagot.
"Ayos po ako dito, Ma. Naidaan na rin po namin nina Madam Petar ang gamit ko sa condo'ng tutuluyan ko bago kami pumunta rito sa school kanina."
"Mabuti naman at kung gano'n."
Makikita ang pagtataka sa mga mukha ng mga kasama namin dahil bukod sa hindi nila naririnig ang usapan, kita rin ang pagkalito nila sa ginawang pagsulyap ni Alisha kay Mackee pagkatapos ay ngumiti ng mapait.
"Teka, si Vincent po ba 'yong naririnig kong sumisigaw?" Tanong ni Alisha dahil rinig na rinig naming dalawa mula sa linya ang pagsigaw-sigaw ni Vincent.

BINABASA MO ANG
AGAIN [On Going]
RomanceHISTORY REPEATS ITSELF. But this time, With different PERSON, With different PLACE, With different SCENARIO, And with different FEELINGS. This story will show you the real meaning of LOVE. ❤ ~~~ "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat.. H...