Tri

24 1 0
                                    

JET's POV

"Oy Rydel! 'Wag kang tumunganga lang diyan!" Maktol ni Dave habang pagod na nagja-jumping jacks. Natigil naman sa pagpapaypay ng sarili si Rydel at masamang tumingin kay Dave.

"Init na init na 'ko! Di makapaghintay?!" Nilakihan niya pa ng mata si Dave. Nakalabing ipinagpatuloy nalang ni Dave ang pagja-jumping jacks.

"Ken ano na? Ilan na ba? Ikaw lang nagbibilang e." Tanong ko at agad naman niya akong nilingon nang hindi siya tumitigil sa pagja-humping jacks.

"Magkakaiba tayo ng bilang. Ang bagal niyo kayang tumalon. Magbilang kayo sa sarili niyo." Sagot niya at hindi na muli kami pinansin.

Anong ginagawa namin?

Nagja-jumping jacks.

Bakit?

Dahil sa bwisit na Rydel na 'yan! Napakababaero kasi!

'Pagod na pagod na 'ko!'

May nagsumbong kasing babae sa Dean na binastos daw siya ni Rydel. At ang ugok, idinamay kami sa kalokohan! Kaya heto ang bagsak namin. 2, 000 jumping jacks sa gitna ng lawad na field ng school. How great.

Bale nakahelera kaming lima.

Si Rydel, Dave, Ako, si Ken, at sa dulo ay si Mackee na tahimik na ginagawa ang parusa. May bago ba? Kailan ba nag-ingay 'yan? Tsh.

"Absent tayo sa dalawang subjects natin dahil sa'yo, Rydel! Ugok ka talaga." Gigil na sabi ko habang hingal at hapong nagtatatalon.

"Syempre kaibigan niyo 'ko kaya dadamayan niyo ko!" Nakangusong aniya habang nagpupunas ng pawis niya.

"You're the only one who should be punished but we do it too for you. But what are you doing now? Have you seen us resting like what you're doing now? No. Don't just stand there and wait for nothing. Mag-jumping jacks ka." Seryosong ani Ken. Pasinghal na pumuwesto na ulit si Rydel at ipinagpatuloy ang parusa.

May mga pailan-ilang estudyanteng nadadaanan kami at dahil sa kilala kami ng buong school, kita ang pagtataka sa mukha nila at pulos bulungan ang ginagawa nila pagkatapos ay lalagpasan kami.

Quarter to eleven na nang matapos kami sa parusang para lang dapat kay Rydel at na nadamay lang naman kami. Saglit kaming nagpahinga sa bench sa labas ng Gym bago pumunta sa room namin. Bawat babaing makakasalubong namin ay animong mga bulating sinabuyan ng asin. Nakakairita. Mayroon naman na mga lalaking ang sama ng tingin. Ang kaso, wala kaming pakialam.

Nang nasa third floor na kami at paakyat na ng fourth floor, hindi inaasahang nakasalubong namin ang babaing mukhang magiging masamang panaginip namin. Napahinto kaming lima habang pinagmamasadan ang pababang si Dean Kalipo kausap ang babaing exchange student na tinawag ni Mackee na Alisha. Hindi nila pansin na kasalubong nila kami dahil halos sa mismong hagdan at sa isa't isa lang sila nakatuon habang nag-uusap at naglalakad pababa.

Kusang napalingon kami sa kinaroroonan ni Mackee. At gaya ng inaasahan, nakatitig siya sa babaing pababa at palapit na sa amin.

"Hey boys." Muli ay napunta ang tingin namin kay Dean Kalipo nang tawagin niya kami. Umayos kami ng tayo at agad na nag-bow sa kaniya at bumati. Huminto silang pareho sa harapan namin.

Ang kaninang nakangiting mukha ni Alisha ay unti-unting nawala. Huminto ang tingin niya kay Mackee at nang mapansing nakatingin rin ito sa kaniya ay agad na nag-iwas siya ng tingin.

"Ginawa niyo ba ng tama ang parusa niyo?" Alam naming nagpipigil siya ng tawa ngayon pero alam din naming seryoso siya sa kung anong ipinagawa niya sa amin.

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon