Fiftin

11 1 0
                                    

ALISHA's POV

Dahil nainip ako sa unit, napagpasyahan kong pumunta sa pinakamalapit na park dito.

Napapikit ako at dinama ang simoy ng hangin nang bumungad sa akin ang napakagandang parke sa gilid ng ilog.

'Sharaha Park'

Ang malaking paskil sa dinaanan kong entrance. Marami ang nandito ngayon. May mga naglatag ng mga sapin nila sa damuhan, mapapamilya man o magboyfriend/girlfriend. Mayroon ding mga naggagala-gala sa kabuuan ng parke. Pero naka-agaw talaga ng pansin ko ay ang payapang ilog na sinisilayan ng marami. Kaya hindi na ako nag-atubili pang umupo sa isa sa mga long bench na nasa gilid ng ilog.

"Ah.. Ate makikishare po ng upuan ah.." Sabi ko sa babaeng nakaupong mag-isa dito sa isang long bench. Malayo ang tingin niya.

"No worries. Just sit beside me.." Nakangiting sagot niya ngunit hindi niya ako tiningnan. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya dahil nacurious ako parang ayaw niyang alisin ang kaniyang paningin doon. All I just see is a plain sky. Nagtaka ako. Kaya naman nagbalik-balik ang tingin ko kay ate at sa langit.

'Anong meron dun??'

Nagkibit-balikat nalang ako at pinanuod na rin ang payapang ilog.

Nakakarelax.

Nakakaalis ng home sick.

Pakiramdam ko nasa paraiso ako.

"The sight here is awesome, right?" Muli akong napalingon kay ate nang masalita siya. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang kausap niya dahil ako lang naman ang malapit sa kaniya. Nakangiting ibinalik ko ang aking tingin sa ilog.

"Yeah. Nakakarelax dito. But to be honest, it's my first time here and it really amazed me." Sagot ko.

"I just hope I can again feel that, too." Halata ang lungkot sa boses niya. Napatitig ako sa kaniya dahil sa pagtataka.

"H-Ha??" Tanong ko. Pero mapait na ngitiang isinagot niya sa akin.

"That feeling.. Yung ma-amaze sa ganda nitong buong parke.. Yung pakiramdam na marelax dahil sa panunuod sa payapang ilog na 'to." Halatang-halata ang pagkapait ng pananalita niya. Nangunot ang noo ko.

"I-I don't u-understand.." Sambit ko at natawa siya ng mahina.

"You're funny. What I mean is, I missed seeing the world." Sagot niya. Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya, partikular na ang kaniyang mga mata.

'Oh--------my--------gosh! Ang bobo mo Shang bakit hindi mo agad napansin!?'

"Y-You're blind??" Gulat na tanong ko at tumango siya. "O-Oh my gosh I'm so s-sorry I didn't notice.." Tarantang sabi ko at natawa naman siya.

"It's okay.. I understand."

"B-Bakit po mag-isa lang kayo kung ganun?? Pa'no po kayo uuwi mag-isa??!" Nag-aalalang tanong ko.

"Thanks for your concern. Actually kakaalis lang niya. Mamaya-maya konti pa ang balik niya. And nasanay na rin akong araw-araw nandito mag-isa habang inaasikaso niya ang mga trabahong binigay sa kaniya ni Dad. Dinadaanan niya nalang ako kapag natapos na siya."

"Oh see.. By the way, I want to introduce myself, I'm Alisha Fuertes."

"Nice to meet you, Alisha.. Just call me Lala." Nakangiting pakilala niya. "But can I have a request??"

"O-Of course.."

"Can I touch your face??" Tanong niya. Medyo pumihit siya paharap sa gawi ko pero dahil hindi niya naman ako nakikita, hindi pa rin siya nakarap sa akin ng sakto.

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon