Fortin

13 1 0
                                    

RYDEL's POV

"Anong sabi?" Malumanay na tanong ni Ken.

"Palabas na raw siya." Sagot naman ni Dave pagkatapos ay ibinulsa na ang cellphone niya.

Kanina pa kami nagdo-doorbell dito pero walang lumalabas. It's either nakatulog ulit ni Jet o nakatulog ulit siya.

'Okay, corny.'

Wala na kasi akong maisip na ibang dahilan para hindi niya agad kami labasin. Tumingin ako sa wrist watch ko.

'7:12 na.'

"Wag ka lang magkakamali!"

"Hahahaha! Ano ba kasing ayaw mo sakin?? Deserve niya ko! Hindi ko siya papaiyakin!"

"Shut up. No matter what happens my answer is still a big NO!"

"Ewan ko sa'yo Zam! Wala kang tiwala sa'king bestfriend mo."

"Talaga."

Nangibabaw ang echo ng dalawang malalaking boses. Habang palapit silang dalawa'y lumalakas rin ang kanilang boses.

"Oh.. What are they doing here?" Tanong ni Dave. Alam kong lahat kami ay ganun din ang nasa isip.

Kusa silang napahinto nang mapansin kami sa kanilang harap dalawang metro ang layo sa amin. Kita ang pagtataka sa mukha nilang dalawa.

"What are you doing here?" Tanong ni Zam sa amin.

"H-Hi.. We're here to fetch Jet." Sagot ko. Napangunutan sila ng noo.

"Why? Is he---oh. Yeah.. Alisha mentioned to me na neighbors sila ni Jet." At talagang nagulat kami sa sinabing iyon ni Zam.

'Neighbors?! Wala namang nababanggit na ganun samin si Jet ah?!'

Kahit ang kasama niyang si Xen ay mukhang walang alam sa sinabi niya.

"We're here to visit Alisha. We're going to consult her condition. Dito dapat kami matutulog ni Xen kagabi pero ayaw ni Alisha. Kaya we decided na i-visit nalang siya this morning before going to LA." Sabi pa si Zam pero wala muling nakapagsalita sa aming magkakaibigan. Silang tatlo ay marahil napapaisip rin ng malalim tulad ko.

'At saka isa pang nasa isip ko, magkaano-ano ba tong si Zam at Alisha? Parang masyado silang close..'

Lahat kami ay napatingin sa kabubukas lang na pinto. Pero laking gulat namin nang lumabas do'n si Jet!

'Hindi niya unit iyon.'

"Why are you in Alisha's unit??" Napalingon kami kay Xen nang itanong niya iyon. Kunot na kunot at noo niya at talaga namang kita ang kaseryosohan sa mukha niya.

"U-Unit ni Alisha?? S-So totoo talagang tabi sila ng unit ni Jet??!" Gulat na bulalas ni Dave. Ibinalik ko na ang tingin ko kay Jet na gulat din ang itsurang nakatingin saming lahat. Kinakabahang tiningnan niya so Xen.

"S-She invited me for breakfast." Utal na sagot ni Jet. Tuluyan siyang lumabas at isinara ang pinto ng unit na pinanggalingan niya. Tumayo siya sa tabi naming mga kaibigan niya at hinarap ang dalawang magkaibigan.

"S-She invited you??" Mukhang inis na tanong ni Xen. Nag-aalangan namang tumango si Jet.

"Dinaanan ko siya to consult her state dahil hindi na namin siya naabutang nagising kagabi. Then she invited me for breakfast. I refused her invitation but she said she's not tolerating no as my answer. So I said yes." Dagdag pa ni Jet.

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon